Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joel Cruz, ‘di pumapatol sa bashers

HINDI pumapatol sa mga basher ang Lord of Scents na si Joel Cruz kahit masaktan, bagkus ay sinasagot niya ito in a nice way. Katulad nang nag-trending sa social media ang litrato ni Sir Joel kasama ang kanyang walong anak.

Hati ang komento ng mga netizen na nakakita ng litrato. May mga nagsasabi na masuwerte si Sir Joel sa pagkakaroon ng walong magagandang anak pero mayroon ding nagsasabing sana ay magkaroon ng bakla o tomboy na anak ang Lord of Scents.

Sagot ni Sir Joel sa isang netizen, “Ang sabi ko roon mas maganda kung straight sila boy or girl. Pero kung talagang sasabihin nila sa akin na at magko-confess sila sa akin na bading or tomboy sila, kakausapin ko sila at susuportahan ko sila.

“Okey lang talaga sa akin kung girl or boy sila, basta ang gusto ko lang sana ay maging inspirational ang buhay nila na kagaya ko I’m gay pero inspirasyon ang buhay ko.

“And of course dapat God fearing din sila at mamuhay sila ng maayos, ‘yung may maganda silang contribution sa society.”

Dagdag pa ni Mr. Cruz, sinasagot lang niya ang mga basher in a nice way. “Binabasa ko ‘yung mga comment nila, ‘pag kailangang sagutin, sinasagot ko para mapalinawagan ko sila lalo na kung mayroong tanong.

“Pero hindi ako nao-offend sa namba-bash sa akin, hindi pinapatulan ‘yung mga ‘yun. Opinion niya ‘yun sasagutin ko na lang kahit na-hurt ako, pero hindi ko siya sasaktan, sasagutin ko na lang siya ng maayos.”

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …