Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

G!, naiiba sa karaniwang barkada movie

MARAMI ang nagandahan sa pelikulang G! Ito ang pare-parehong reaksiyon ng mga nakapanood ng premiere night nito noong Martes ng gabi sa SM Cinema, SM North Edsa. Ang G! Tropa Movie  ay pinagbibidahan nina McCoy de Leon, Mark Oblea, Paulo Angeles, at Jameson Blake. Entry ito ng Cineko Pro­duc­tions sa 2019 Pista ng Peli­ku­lang Pilipino.

Nagandahan kami sa pagkakagawa nito na naiiba sa karaniwang barkada movie na napapanood. Maayos at malinaw ang pagkakakuwento. Madaling intindihin. Ayos na ayos din ang pagkakadirehe ni Dondon Santos.

Lalo pang naging maganda ang istorya sa pagkakasama ng iba pang cast na sina Kira Balinger, Jao Mapa, Rosanna Roces, Roxanne Barcelo, Moi Bien, Alora Sasam, Gio Alvarez, Patrick Sugui, Dominic Roque, Nick Parker, Lara Quigaman – Alcaraz, at Joey Marquez na mahahalaga ang papel na ginampanan.

Parang may pagkakahawig sa tunay na buhay ang pag-aagawan nina  McCoy at Jameson sa iisang babae, si Kira. Karelasyon kasi ni McCoy si Kira sa G! pero ang tunay na mahal ay si Jameson kaya naman natatawa at nagkakahiyawan sa loob ng sinehan. Alam naman nating dating GF ni McCoy si Elisse Joson na ngayo’y iniuugnay kay Jameson.

Sa totoo lang, bumagay kay McCoy ang karakter dahil sa pagiging ‘baby boy’ na wala pang muwang sa lahat ng bagay.

Mara­ming mga kaibigan ng apat ang sumuporta sa pre­miere night tulad ni Nick Parker na umuwi pa ng Pilipinas mula Europe para bigyang su­porta ang mga kaibigan.

Nakita rin namin si Mutya Orquia na sinuportahan si Kira na ate niya sa Pamilya Ko.

Naroon din si Chynna OrtalezaCipriano para sa kanyang asawang si  Kean Cipriano na siyang sumulat ng sound­track ng G; gayundin sina Jason Dy, Victor Anastacio (O-Shopping), Luigi Revilla, Allora Sasam, Direk Jason Paul Laxamana, at marami pang iba.

Mapapanood na ang G! simula Setyembre 13 sa mga sinehan.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …