Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamilya Ko, top trending sa Twitter, kinagiliwan agad ng manonood

HINDI na kami nagtaka kung agad minahal ng mga manonood ang masaya at matamis na samahan ng pamilya Mabunga kaya agad nanguna ang pilot episode ng Pamilya Ko sa national TV ratings at naging top trending topic sa Twitter noong Lunes (Setyembre 9).

Napanood na namin ang ilang episodes ng Pamilya Ko sa isinagawang advance screening nito sa Trinoma at lahat kami’y napa-wow! sa kakaibang istorya gayundin sa pagkagagaling na bida.

Umiikot ang kuwento ng seryeng pinagbibidahan nina JM De Guzman, Kiko Estrada, Jairus Aquino, Maris Racal, Kira Balinger, Mutya Orquia, Raikko Mateo, Joey Marquez, at Sylvia Sanchez sa buhay ng pamilya Mabunga na haharap sa matitinding pagsubok sa isa-isang pagsulpot ng mga sikretong susukat sa kanilang tibay bilang pamilya.

Kaya hindi na kataka-taka kung mas maraming Filipino ang agad na sumubaybay nito sa unang episode na nagkamit ng national TV rating na 18.3%, kompara sa Wowowin (15.8%), ayon sa datos ng Kantar Media.

Hindi rin nakapagpigil ang netizens na ibahagi ang kanilang papuri parsa serye. May mga nagsabing, nakadadala ang mga eksena sa umpisa pa lamang ng pagpapalabas nito. Mayroon ding nagsabing walang tapon sa mga artistang nagbibida dahil talaga namang napakahuhusay.

May nag-tweet pa ng, “Sylvia Sanchez is a gem. Walang kupas. Perfect fit for the series. I love it,” ni @radadvinculaph.

Panoorin ang kuwento ng Pamilya Ko gabi-gabi sa ABS-CBN bago mag-TV Patrol.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …