Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Khalil, muntik nang iwan ang pagkanta

MUKHANG maganda ang musical-romantic movie na LSS ng Globe Studios na pinagbibidahan nina Khalil Ramos at Gabbi Garcia na real life couple.

Ayon mismo sa dalawang bida, lalo pang naging malalim ang pagmamahalan nilang habang ginagawa ang movie. Maganda kasi ang istorya ng pelikula kaya nagawa nila itong maganda.

Sa presscon ng movie, inamin ni Khalil na noong mga nakaraang buwan o taon ay nawalan na talaga siya ng pag-asa na tutukan pa ang singing career. Naging malaking factor si Gabbi para ituloy at tutukan muli ang kanyang pagkanta.

She’s the one who pushes me to do it again. Sinabihan niya ako na tutukan ko again ang pagkanta ko and that’s an inspiration kaya nagdesisyon akong ‘sige, kakanta ako ulit,” paglalahad pa ni Khalil.

Nalaman din namin sa presscon na fave group pala both nina Gabbi at Khalil ang Ben & Ben na kasama rin sa pelikula.

Yes. Favorite talaga namin sila. Bago pa man ang kasikatan nila now, napapanood na namin sila sa kanilang mga gig!and we admire their music talaga. Kaya noong ginagawa na namin ang movie, ang bilis ng bonding namin, ang gaan ng work kasi we love them talaga,” sez naman ni Gabbi na mukhang magiging date na ni Khalil ngayong paparating na ABS-CBN Ball 2019.

REALITY BITES
ni Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …