HINDI na raw malaman ng ilang tulisan sa airport kung saan nila padaraanin ang kanilang pasahero.
Wala raw kasing pumapayag ngayon sa mga batikang namamasahero sa takot na sila ay mahugutan ng pasahero ng mga bagong upong TCEU.
Buti pa nga raw noon at lumulusot ang “close open” sa arrival at departure pero ngayon ay totally closed ang tindahan?!
Kay saklap naman!
Sabi naman ng ilan, mabuti na rin daw para kung bumalik ang dating ‘glorya’ ay iba na ang presyo sa airports.
Kung dati raw ay ginagawang palengke ng “players” at “suppliers” ang pagpapalusot, sa nangyayari raw ay hindi malayo na bumalik ang taas ng presyo ng mga pasahero papuntang middle east!
Talagang may game-plan pa ha?!
Pero ano itong narinig natin na riyan daw sa CEBU ngayon ang paboritong destinasyon ng mga pasaherong OFWs kuno?!
Lalo na ang mga Pinay na papuntang China at Middle East?!
Since nawalan na sila ng pag-asa sa NAIA kaya naman Cebu na ang next destination ng “traffickers?!”
Sus ginoo!
Hindi man daw kasing sagana gaya dati sa NAIA kahit pa-jab-jab lang ay nakalulusot naman!
Well, huwag na tayong magtaka kung diyan naman sa Cebu ang susunod na putukan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap