Thursday , December 26 2024
congress kamara

Work, work, work legacy ng mga kongresista sa Kamara history na

HATAW to the max sa work, work, work ang Kamara sa pamumuno ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Nagtatala ngayon ng ‘historic’ o makasaysayang hakbang ang mga kongresista sa pag-aaproba ng mga panukalang batas lalo ang mga prayoridad na programa ng Duterte administration.

Aba’y nitong Martes, sinumulan na ang plenary debate sa 2020 National Budget nang maagang natapos ng House Committee on Appropriations ni Rep. Isidro Ungab ang pagtalakay sa national budget noong nakaraang Biyernes.

Nito namang Lunes, dalawa pang priority bills ni Digong ang lumusot sa ikatlo at huling pagbasa. Ito ang House Bill (HB) 304 o ang Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA), at HB 300 o Amendment of the Foreign Investments Act (FIA).

Ito ang ikalawa at ikatlong priority bills na inaprobahan ng 18th Congress, matapos aprobahan ng kamara ang panukala na naglalayong dagdagan ang excise tax ng sigarilyo, alak at vaping products noong 20 Agosto 2019.

Ang PIFITA bill ay nakakuha ng 186 yes votes, 6 negative votes at 2 abstentions. Saman­talang ang FIA Amendment bill ay may 201 affirmative votes, 6 negative votes at 7 abstentions.

Layon ng PIFITA bill na amyendahan ang National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997 at repormahin ang pinansiyal na sektor ng bansa. Ayon kay Rep. Joey Salceda, pangunahing may-akda ng panukala,  magkakaroon ng magandang laban ang Filipinas na makahikayat ng mga mamumuhunan upang pondohan ang mga proyektong impraestruktura ng Filipinas na makatutulong sa pagbibigay ng trabaho sa mga Pinoy.

Layon ng FIA Amendment bill na pangu­nahing akda ni Rep. Victor Yap na amyendahan ang Republic Act No. 7042 o Foreign Investment Act of 1991, sa pamamagitan ng pagpayag sa mga dayuhan  na makapag-practice ng kanilang propesyon sa Filipinas. 

Kaugnay nito, pinuri ni Deputy Speaker Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, Jr., ang mabilis na pag-aproba sa naturang priority bills na maituturing na ‘unprecedented’ sa ilalim ng liderato ni Speaker Cayetano.

Sa ngayon, nakatutok ang kamara sa plenary deliberations ng national budget na mag-uumpisa mula 1:00 pm hanggang 9:00 pm mula Lunes hanggang Biyernes upang maseguro na maaaprobahan ito bago ang 4 Oktubre 2019.

Siniguro din ni  Cayetano na magiging pork-free ang pambansang badyet bilang tugon sa hangarin ni Digong na ligtas at komportableng buhay para sa mga Filipino.

Lower house solons, work at hataw pa more!

Puwedeng-puwede pala!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *