Saturday , December 28 2024

MMDA ginawaran ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko ng KWF

BINIGYAN Paranagal ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa paggamit nito ng wikang Filipino sa pakikipag-ugnayan sa publiko para sa mga serbisyo, programa, at proyekto ng ahensya.

Ito ang kauna-una­hang pagkakataon na nakatanggap ng pagkilala ang MMDA mula sa KWF, ang regulating body ng wikang Filipino at ang opisyal na institusyon ng pamahalaan na naata­sang paunlarin at ipreser­ba ang iba’t ibang daya­lekto ng bansa.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, ang Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko – Antas 2 ay nagsisilbing inspirasyon ng ahensiya para tuloy-tuloy na ipatupad ang Executive Order 335 na naghihi­kayat sa mga opisina ng gobyerno na gumamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon, komunikasyon at kores­pondensiya.

“Isang karangalan para sa amin na makilala ang aming mga inisyatibo sa paggamit ng wikang Filipino sa araw-araw na paninilbihan sa ating mga kababayan. Higit sa pag­sasalin sa Filipino ng mahahalagang doku­mento, mga karatula at iba pang mga pabatid, responsibilidad natin bilang mga Filipino ang pagtataguyod at pagsu­suporta sa paggamit ng ating sariling wika,” ani Lim, na ibinahagi ang parangal sa mga emple­yado ng ahensiya sa seremonya ng pagtataas ng watawat nitong Lunes.

Kinilala rin ng KWF ang MMDA sa paggamit ng wikang Filipino sa Facebook page ng ahensiya, infomercials, at road traffic signs.

Isinalin ng MMDA mula English sa Filipino ang ilang pangalan ng tanggapan, mga poster at brochure, pormularyo sa mga kliyente (process flow charts), misyon at bisyon, at Gabay ng Mamamayan (Citizen’s Charter).

“Makaaasa kayong kami ay patuloy ninyong magiging katuwang sa misyong paigtingin pa ang paggamit at pagpa­palaganap ng wikang Filipino, lalong lalo sa tuntunin ng serbisyo publiko. Tayo ay magka­isa at mag-ugnayan para mas mapaunlad at ma­pre­serba ang ating wika. Mabuhay ang Wikang Filipino!” dagdag ni Lim.

Ang seremonya ng pagpaparangal ay isinagawa ng KWF noong Agosto bilang bahagi na rin ng pagdiriwang ng “Buwan ng Wika.”

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *