Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian, ‘di kayang magpa-sexy at makipaghalikan

KAYA kaya ni Marian Rivera na magpaseksi sa harap ng kamera?

Naging matagumpay kasi sa takilya ang pelikulang Just A Stranger na pinagbidahan nina Anne Curtis at Marco Gumabao.

Isa itong May-December affair na kuwento ng isang babaeng may asawa na at isang binata na mas bata sa kanya na nagkakilala sa Portugal.

Nagkaroon sila ng one night stand at pagbalik sa Pilipinas ay muling nagkita (nang hindi sinasadya) at muling itinuloy ang kanilang pagtatalik hanggang mauwi na sa seryosong relasyon.

May mga sizzling love scene sina Anne at Marco sa Just A Stranger. May torrid kissing scenes at may eksenang walang pang-itaas si Anne although nakatalikod naman.

May eksena rin si Anne na nasa beach at naka-two piece bathing suit.

Sa presscon ng Tadhana na nagbalik na bilang host si Marian, tinanong namin ito kung sakaling may iaalok sa kanyang pelikula ang Regal Entertainment Inc. (na may existing movie contract si Marian), papayag ba siya na gumawa ng isang pelikula na tulad ng ginawa ni Anne?

“Hindi ko kaya,” ang mabilis na sagot ni Marian.

Siya ba mismo ang may ayaw o hindi siya papayagan ng mister niyang si Dingdong Dantes?

“Hindi ko kaya.

“Kasi siyempre kanya-kanya ‘yan, kanya-kanyang pagkatao ‘yan. Eh ako medyo hindi ko kakayanin at ayoko rin siya gawin bilang dalawa ‘yung anak ko.

“Na ayokong mapanood nila na magiging ganoon ako, so hindi ako handa sa ganoon.

“Siguro rati na lang, kung dati siguro.

“Pero ngayon hindi talaga,” ang nakangiting sinabi ni Marian.

Si Anne ay wala pang anak, si Marian naman ay may dalawang napaka-cute na mga anak na sina Zia at Ziggy.x

Kaya kahit kissing scene ay hindi kayang gawin ngayon ni Marian sa pelikula.

Sa Sabado ay ipalalabas ang second part ng episode na Serial Killer tampok si Rhian Ramos kasama sina Benjamin Alves, Juancho Trivino, Diva Montelaba, Analyn Barro, at Lara Morena.

Ang second episode naman (na dalawang bahagi rin) ay ang CEO Maid na pag­bibida­h­an ni Lovi Poe.

Na­pa­panood ang Tad­hana tuwing Sa­bado, 3:15 p.m. sa GMA pagkatapos ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko nina Kris Bernal, Rayver Cruz, at Megan Young.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …