ISA na namang star studded ang magaganap sa ika-12 anibersaryo ng Gabay Guro, PLDT-Smart Foundation’s flagship advocacy para sa mga guro, kasabay ang paglulunsad ng Gabay Guro app sa Setyembre 22, Mall of Asia Arena, Pasay City.
Pangungunahan ang Grand Gathering ng mga guro nina Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Eric Santos, Pops Fernandez, at Regine Velasquez-Alcasid. Kasama rin sina Piolo Pascual, Angeline Quinto, Aegis, Christian Bautista, Eat Bulaga BakClash, Eat Bulaga Broadway Boys, Edward Barbers, Gabby Concepcion, Ian Veneracion, Jaya, Jay-R, Jayson Dy, Jed Madela, Jona, K Brosas, Klarisse De Guzman, Kyla, Maymay Entrata, Moira dela Torre, at Zephanie Dimaranan.
Sina Jose at Wally kasama si Dimples Romana ang magho-host ng event.
Bukod sa napakaraming artistang magbibigay-saya sa mga guro, may pagkakataon ding magwagi ng mga exciting prizes muka sa Gabay Guro’s partners tulad ng 100 winners ng Accident Insurance Policies for 1 year mula sa Inlife Sheroes, gift certificates mula Don Henrico’s, Fitness First, Jollibee, at Penshoppe. Mayroon ding Colgate at Palmolive, Pilipinas Alibaba, at Unilab Consumer Health; gadgets at free subscriptions mula PLDT Home; gadgets at mobile phones mula Smart, Sun at TNT; travel at leisure escape mula First United Travel, Inc., at Las Casas Filipinas de Acuzar; at libreng entrance tickets sa Enchanted Kingdom ; cash vouchers mula Aveda, Shopee at Lazada; Television sets mula Devant; cash prizes mula PLDR-Smart Foundation, Pecci, and Telescoop; livelihood packages mula Reyes Haircutters; motorcycle mula Motorlandia; Grantour can mula Foton; at brand new house and lot bilang major prize.
“Gabay Guro continues to develop innovative programs for our teachers and our partners in nation-building,” sambit ni Gabay Guro Chairperson Chaye Cabal-Revilla. “Every year, it is our great honor to be able to give back to our teachers through a grand tribute and we always look forward to continuing this mission and empower them through Gabay Guro’s previously 6 and now 7 core pillars of learning.”
Ang event ay exclusive para sa mga guro at ang admission ay libre. Maaaring kunin ang mga tiket sa inyong mga local DepEd unit.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio