Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gina at Jaclyn, good friend, never nagpatalbugan

SA Mulanay: Sa Pusod ng Paraiso ang huling pelikulang pinagsamahan nina Gina Alajar at Jaclyn Jose. At ngayong 2019 lang muli sila magsasama sa Circa ni Adolf Alix, entry sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino na mapapanood na simula Setyembre 13.

Bagamat hindi sila madalas magkasama sa isang proyekto, good friend naman sila, ani Gina sa mediacon ng Circa kamakailan.

“Friends kami ni Direk Gina kahit hindi kami nagkikita at kahit off camera,” sambit naman ni Jaclyn. “Kasi pareho kami ng pinagdaanan sa buhay,” hugot pa ni Jaclyn.

Iniintriga ang pagsasama nina Gina at Jaclyn dahil pareho silang magagaling na aktres. Kaya natanong ang dalawa kung nagpatalbugan ba sila.

“Hindi. I cannot say that,” tugon agad ni Gina. “Nararamdaman naman eh. Ang masasabi ko lang ang experience ko I’m always on my toes. Ang mga eksena lagi kong kaeksena si Jane (Jaclyn), Elizabeth Oropera, Laurice Guillen, si Enchong Dee, at si Ricky Davao, so dapat on your toes ka kasi alam mong ang kaeksena moa lam niya ang gagawin niya eh.

“So sa rehearsal pa lang, ako sa sarili ko, nakikiramdam na ako na ‘nagkakamali ba sila sa linya nila,’ ‘kabisado ba nila ang mga linya nila?’ Kasi kapag nagkamali, kapag hindi memorize, ‘hay tao rin pala sila, nagkakamali, ‘di ba?’ Pero hindi eh, hindi sila nagkakamali. Memorize ang mga linya. Ayokong ako ang maging dahilan ng take two, ayokong mag-buckle o makakalimot ng linya. Because professional ang mga kaeksena ko, ‘yun ang dating sa akin,” dagdag pa ni Gina.

“Sa akin ano lang, before take nga daldalan kami ng daldalan eh. Five four, three, two, one, ayun na parang automatic na. Hindi kami nagpapatalbugan kasi hindi ka pwede umangat o lumubog sa pelikula. Kasi kwentuhan lang eh, natural, normal lang na buhay na pang-araw-araw ng tao. Walang nakitang conflict masyado para mabigyan ng highlight…bigay lang, sapat lang,” sagot naman  ni Jaclyn.

Ang Circa ay isang family drama na ukol sa isang matandang movie producer, na ipinagdiriwang ang kanyang centennial year na nagnanais makasama ang mga dating kaibigan.

“I think you would just love the simplicity of the story,” giit pa ni Gina.

Ang Circa  ay pinagbibidahan din ni Anita Linda kasama sina Perla Bautista, Rustica Carpio,  Alessandra de Rossi, Liza LorenaAlan Paule, Rosanna Roces  ay may special participation si Eddie Garcia.

Ipinrodyus ito ng ABAJ Film Productions, Noble Wolf, Swift Productions, RSVP na may suporta ng  Hongkong-Asia Film Financing Forum and White Light at ipinamamahagi ng Solar Pictures.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …