Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gabbi walang pakialam, magpakita man ng puwet si Khalil

TAWANG-TAWA kami sa tinuran ni Gabbi Garcia  na okey lang sa kanyang magpakita ng butt ang BF actor na si Khalil Ramos nang makausap namin silang pareho pagkatapos ng mediacon ng LSS (Last Song Syndrome) ng Globe Studios para sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino na mapapanood na sa Setyembre 13.

Ani Gabbi, “Eh kung okey sa kanya, siya bahala, puwet niya ‘yan. Sa kanya ‘yan (puwet) eh,” bilang tugon sa tinuran ni Khalil na okey sa kanyang magpakita ng butt kung kailangan sa eksena. Isa kasi dapat si Khalil sa bida ng isa ring entry sa PPP, ang G! na nagpakita ng butt ang mga bidang sina McCoy De Leon, Jameson Blake, Mark Oblea, at Paulo Angeles.

Hindi tinanggap ni Khalil ang G! dahil nauna na ngang i-offer ang LSS. Pero sinabi ng binata na hindi siya confident na ipakita ang kanyang butt. “No, sa ngayon hindi pa. Hindi ako maghahanap ng role na may ganoon. Pero kung may dumating na may ganoon at binasa ko ang script at maganda ang mensahe ng pagpapakita ng butt ko, I will consider ito ha ha ha.”

Iginiit naman ng binata na masaya siya sa pagtanggap sa LSS bagamat nahirapan siyang makipagtrabaho sa kanyang real GF na si Gabbi. Nagkailangan kasi silang dalawa.

“It was hard to begin with,” sagot ni Khalil. “To begin with, pero along the way nakita naming kung gaano siya ka-advantage,” susog naman ni Gabbi.

“Advantage kasi mas nagtulungan kami,” sambit pa ni Khalil. “Pero noong start nagkailangan kami kasi may eksena kami na kailangang strangers kami sa isa’t isa. So, hindi kami sure kung effective ba ang chemistry namin on screen o hindi. Kaya lagi naming tinatanong si Direk Jade Castro. Buti na lang sobrang collaborative lahat ng tao na tinutulungan nila kami,” paliwanag ni Khalil.

Hindi naman sila dumaan sa stage na nagtantiyahan. “We’re far from that stage na and we really focused on building our character. Ang nagustuhan ko sa kanya she really asked for my help, ng isang co-actor na tulungan ko siya if she really needs my help. Talagang nagbigayan kami whenever one needed the other,” sambit pa ni Khalil.

“I know how he’s good as an actor. I’ve seen his films and I know how he’s good as an actor. But I’ve never seen him his process kung paano siya nakararating sa character niya.

“And I love how generous he is. Hindi siya maramot na aktor,” paliwanag naman ni Gabbi.

Samantala, tiniyak ni Khalil na 100 percent na kikiligin sa kanilang dalawa ang manood.

“Kasi kinilig kami while doing! Ha! Ha! Ha!” anang actor.

Nang tanungin kung may kissing scene sila? “Abangan ninyo na lang po,” sagot ng dalawa pero isiningit ng kanilang direktor na mayroon.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …