Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Enchong, sobra-sobra ang pasasalamat sa Circa: Galing sa pag-arte, pinuri ni Direk Gina

MALAKI ang pasasalamat ni Enchong Dee kay Direk Adolf Alix sa pagkakapili sa kanya para makasama sa pelikulang Circa. Pawang mga  beterano at magagaling na artista ang kasama ni Enchong sa pelikula, tulad nina Anita Linda, Direk Gina Alajar, Jaclyn Jose, Laurice Guillen, Elizabeth Oropesa, Rosanna Roces, Ricky Davao, at may special participation si Eddie Garcia.

Anang binata, “Malaki ang pasasalamat ko at naaalala ko while doing this movie na nagdasal ako ng susunod kong proyekto, hindi ko naman alam na bibigyan niya ako nang sobra-sobra.

“Binigyan ako ng proyekto na nakasama ko ang magagaling na artista na ‘yung mga kaedad ko, eh, gustong-gusto silang makatrabaho pero ako ‘yung nabigyan ng chance.

“Sabi ko nga, siguro ang maganda kong gawin is ibigay ko na lang ‘yung kaya kong ibigay and I told direk Adolf na, ‘direk gabayan mo ako ha, kasi ako ‘yung nasa labas sa kanilang lahat (magagaling at beteranong artista) kaya kailangan kong ayusin ang ginagawa ko,” sambit pa ng actor.

Sa kabilang banda, ganoon na lamang ang papuring natanggap ni Enchong mula kay Direk Gina. Si Direk Gina kasi ang madalas kaeksena ni Enchong dahil siya ang anak niya sa pelikula.

Ani Direk Gina, “Ang galing ni Enchong, alam mong pinag-aralan niya ‘yung role niya, nararamdaman ko habang pinanonood ko. Tahimik lang siya at nagmumuni-muni. At kapag nagte-take, may presence of mind siya, alam niya kung paano niya iha-handle ang sarili niya kaya bilib ako sa kanya.”

Natanong si Enchong kung hindi ba siya nahirapang kaeksena si Ms. Anita, sagot niya, “Bago kami magsimula, na-introduce na sa akin ni direk Adolf na may mga lapses na kailangan mas malakas ang pananalita (boses) para maintindihan niya (Ms Anita). Nag-mental repair na ako na need kong mag-adjust.

“Ang nakatutuwa kay tita Alice (tawag kay Ms. Anita), kapag mahahaba ang linya, klaro sa kanya at memorize niya, ‘yung mga minsang maikling linyang may batuhan, doon may lapses but it’s okay magaling naman si direk mag-edit.

“Nabibilib ako sabi ko nga, how I wish I also have that sharp memory when I reach that age (94 years old),” giit pa ni Enchong.

Mapapanood ang Circa sa Setyembre 13 nationwide.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …