Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

In good shape na uli… Marian Rivera balik-hosting sa Tadhana na nasa ikalawang taon na

MATAGAL na hindi napa­nood si Marian Rivera bilang host sa award-winning drama anthology na “Tadhana” na this month ay nagse-celebrate ng kanilang 2nd anniversary.

At tulad ng panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia ay naging hands-on Mommy si Marian sa bagong baby nila na si Ziggy na pa-breastfeed din niya. Tapos siya pa ang naghahatid at sundo kay Zia sa school kaya isinantabi na muna ng magandang actress-host ang kanyang trabaho sa GMA.

Pero ngayong lumalaki na si Ziggy ay nag-decide na si Marian na balikan ang kanyang mga show na Tadhana at Sunday Pinasaya. At happy siya kahit ang mister na si Dingdong ang pansa­mantalang humalili sa kanya ay mataas pa rin ang ratings ng kanyang weekend show.

Samantala sa mediacon ni Marian last Friday para sa pangalawang anibersaryo ng Tadhana, after daw ng kanilang anniv episode na talaga namang kaabang-abang ay ipi-feauture nila ang light stories ng mga OFW. Isang buwan ang itatagal ng second anniversary special ng Tadhana, na may dala­wang special pre­sentations.

Napanood na last Saturday ang part 1 episode na “Serial Killer,” tampok sina Benjamin Alves, Juancho Trivino, Diva Montelaba, Analyn Barro, Lara Morena, at Rhian Ramos. Mapa­panood ngayong September 14 ang part 2 o last episode nito.

Ang pangalawang presentation naman na may pamagat na “CEO Maid” ay pagbibidahan ni Lovi Poe at ipapalabas sa September 21 at 28. Bale 14 episodes ang inyong mapapanood sa month-long anniversary presentation na Tadhana at nangako si Marian sa kanilang Tadhana team na kapag hindi na busy si Dong ay gaga­wa sila ng episode para rito.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …