Monday , November 18 2024

Usapang pera, umiral sa pagpapalaya sa mga sangkot sa Chiong gangrape-slay case?

IUUGNAY lang namin ang isang nakagugulat na pambansang balita sa showbiz, pero sa paraang objective at walang bahid-opinyon.

Ito ‘yung iniulat ni Sen. Ping Lacson sa pagkakalaya ng mga nahatulang nang-gangrape at pumaslang sa magkapatid na Chiong sa Cebu noong 1997. Dinukot muna sina Marijoy at Jacqueline habang naghihintay ng sasakyan sa tapat ng Ayala Center sa Cebu.

Ang mga sumunod na detalye ay kagimbal-gimbal. Ilang araw lang ay natagpuan ang bangkay ni Marijoy sa bangin sa bayan ng Carcar samantalang hanggang ngayo’y hindi pa lumulutang ang kapatid nitong si Jacqueline.

Mula sa mga angkan ng mayayaman ang marami sa pitong suspek, at hindi na raw nagtataka ang mambabatas kung napalaya na ang mga ito (idinedenay nga ni Faeldon na pirmado niya ang release order, ‘di ba?).

It’s all about money,” aniya kung paano ring nakalaya ang ilang nakabilanggong Tsinong drug lords.

Ang pangyayaring kinapalooban ng Chiong Sisters ay proyekto ng Golden Lions Films ni direk Carlo J. Caparas at ng kanyang yumaong kabiyak na si Donna Villa.

Nabuo ito noong 2018 kung kailan nagsimula ang film shoot nito sa Cebu, mahigit isang taon mula nang pumanaw si Tita Donna (January). Pero hindi lang si direk Carlo ang ‘ika nga’y may hawak ng manibela, kolaborasyon nila ito ng kanyang anak na si Peach who’s obviously following in the footsteps of the ace komiks novelist-turned-megman.

Kabilang din doon ang nag-aartista na ring anak nina direk Carlo at Tita Donna na si CJ bilang isa sa pitong salarin.

Pilit naming inaalala kung naipalabas na ang film version ng tunay na kuwentong sangkot ang magkakapatid. Parang hindi pa bagama’t napakatunog ng production updates nito tulad ng pagkakapili sa ibang cast members tulad ni Joel Torre (bilang Dionisio na ama nina Maijoy at Jacqueline), Meg Imperial (as Jacqueline), among others.

Matagal-tagal na rin kasi mula noong huling gumawa ng pelikula si direk Carlo. Huli naming natatandaang idinirehe niya ay ang remake ng Angela Markado na ginampanan ni Andi Eigenmann (buhay pa noon si Tita Donna).

Dahil nga sa Chiong Sisters project ay natuwa kami dahil sa panunumbalik ng sigla ni direk Carlo (who never walks around without his signature cap, maong jacket and dark shades) dahil unti-unti na siyang bumabalik sa kanyang passion: ang pagdidirehe.

Dumating na si direk Carlo sa puntong kinatamaran na ang pagtatrabaho at mas ginugol ang panahon sa pagdalaw araw-araw sa puntod ng kanyang maybahay na may dalawang pumpon ng mga bulaklak nang walang mintis.

Now for the newsy part, kung totoo mang nakalaya na ang mga suspek sa Chiong gangrape-slay case bunsod ng kontrobersiyal na Good Conduct Time Allowance law gayong hindi nito sakop ang mga heinous o karumal-dumal na krimen, we simply feel too sorry para sa ating justice system.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *