SOBRANG thankful ang premyadong aktres at Face of Beautederm na si Sylvia Sanchez sa tagumpay ng celebrity screening ng ABS-CBN primetime teleseryeng Pamilya Ko sa Trinoma Cinema 7, last September 4.
Matapos ipalabas dito ang unang linggong episodes ng bagong TV series ni Ms. Sylvia, inulan ng papuri ang award-winning Kapamilya actress dahil sa sobrang husay na ipinamalas niya rito. Actually, ilang beses pinalakpakan ang eksena nila rito ni JM de Guzman.
Nasubaybayan namin ang The Greatest Love at akala namin noon, dahil sa sobrang husay dito ni Ms. Sylvia ay hindi na siya makagagawa ng teleseryeng kasing tindi nito, lalo na nang humakot na ng acting awards sa TGL si Ms. Sylvia. Pero mali pala kami, dahil sa TV series na Pamilya Ko, mas nagpakita pa nang kakaibang husay si Ms. Sylvia.
Lahat, as in lahat ng nakapanood nito sa Trinoma ay sobrang bilib na bilib sa husay ni Ms. Sylvia. Kaya ang masasabi na lang namin, kapag nanood ng seryeng Pamilya Ko ay imposibleng hindi mapaiyak sa takbo ng istorya nito at sa husay ng mga artista rito, sa pangunguna nina Ms. Sylvia at JM!
Sa panayam kay Ms. Sylvia, ito ang nasabi niya sa mga pagbati at papuri sa kanya. “Pinaghirapan naming lahat iyan, pinaghirapan namin… ang dami-dami pang aabangan. Basta itong week one, pai-in-love-in kayo ng Pamilya Mabunga. Sa week two, week three, week four, paiiyakin pa namin kayo. Maraming salamat.”
Nagpapasalamat din si Ms. Sylvia sa Beautederm sa pag-sponsor dito. Present ang BeauteDerm CEO at owner na si Ms. Rhea Tan na puring-puri si Sylvia at ang buong cast.
“Umpisa pa lang ay umiiyak na ako, I’m so proud of my baby. Simula pa lang ay umiiyak na kami hanggang dulo, kaya namumula ang mata ko. Ang galing din ni JM at ng buong cast. Congratulations sa Pamilya Ko. Congrats, Ate Sylvia. Nandito lang ang Beautederm family mo to support you. We love you!”
Nandoon din para sumuporta ang asawa at kapatid ni Ms. Rhea na sina Sir Sam at Bambie, pati na ang ibang Beautederm ambassadors like Alma Concepcion, ang mag-inang Sherilyn Reyes-Tan at Ryle Santiago, Chuck Gomez, at iba pa.
Anyway, pupukaw sa mga manonood ang bagong Kapamilya seryeng ito na magpapakita sa pagsubok na hinaharap ng bawat pamilya — mula sa pagtataksil, away-kapatid, at trahedya —— at ang mga bagay na magbubuklod sa kanila —— pagpapatawad, pagtanggap, at pagmamahal.
Simula Sept. 9, sundan si Chico (JM), ang kanyang mga magulang na sina Fernan (Joey Marquez) at Luzviminda (Sylvia), at ang kanyang mga kapatid na sina Beri (Kiko Estrada), Apol (Kid Yambao), Persi (Jairus Aquino), Peachy (Maris Racal), Lemon (Kira Balinger), Cherry (Mutya Orquia), at Pongky (Raikko Mateo) sa kanilang pagharap sa mga problemang susubok sa kanilang pagmamahal sa pamilya.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio