THIS month ay balik bansa na ang reigning Mrs. Hawaii Transcontinental 2019 at Mrs. USA Universe 2019 2nd Runner Up na si Meranie Gadiana Rahman.
Ilan sa nakatakdang schedule o activities ni Meranie habang nasa Filipinas ay ilang TV and radio guestings plus interviews.
Magkakaroon din ng charity work si Meranie sa kanilang lugar sa Talisay, Cagayan at matagal na itong ginagawa ng Pinay International beauty queen (Meranie) bilang pasasalamat niya sa lahat ng mga natatanggap na blessings mula sa Itaas.
Nang aming maka-chat si Meranie ay excited siya sa kanyang guestings and interviews sa malaking TV network. Although sanay na raw siyang mag-guest sa mga kilalang TV shows sa Hawaii pero iba pa rin daw ang feeling na mapanood siya ng ating mga kababayan sa Filipinas.
Na-interview pala si Meranie sa Price & The Posse last July. Ang The Perry & The Posse ay morning radio show na umeere six days a week sa KSSK-AM and KSSK-FM sa Honolulu, Hawaii.
Ang nasabing show ay kasalukuyang number one morning radio show in Hawaii, at capture nito ang 25 percent share of the state’s listening audience. Consistently number one rin in market share nationwide sa adult contemporary format.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma