Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

McCoy, humingi ng paumanhin sa press; Aminadong nagkailangan sila ni Jameson

AGAD nilinaw ni McCoy de Leon na hindi totoong hindi niya pinasalamatan ang mga entertainment press sa katatapos na media conference ng G!, entry ng Cineko Productions sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino na idinirehe ni Dondon Santos.

Ani McCoy, “Goodeve po, pasensya po kung di po nalinaw na mapasalamatan po kayo. Lagi po ako thankful sa inyo po sabi ko nga po kayo po lahat ang nagiging way namin para mapaalam po sa lahat yung isang proyekto. Pasenysa po maniwala man po kayo sa sa hindi sobrang nagpapasalamat po ako sa inyong lahat. Maganda gabi po 🙂 Godbless po ma’am.”

Samantalaokey na kay McCoy na pag-usapan ang panliligaw ni Jameson Blake sa rating girlfriend niyang si Elisse Joson. “Sabi ko nga kay Jameson, ‘alam mo na ha.’

We really talked about it,” sambit naman ni Jameson.

Aminado naman si McCoy na medyo nagkailangan sila ni Jameson noong unang sabak nila sa shooting ng G! ”’Yung mga first day of shooting namin medyo may kaunting ilangan. Kaya nga sabi ko thankful ako sa palabas na ito dahil kahit paano nabuksan ‘yung puso’t isipan namin na magkaibigan pala kami. Walang makasisira roon.”

At saka mahirap gawin ‘yung movie kung may ilangan sa isa’t isa so it’s better to take it in a mature way,” paliwanag naman ni Jameson.

Kuwento ni Jameson, napansin niya si Elisse nang magsama sila sa Ngayon at Kailanman. ”Doon nag-start nakakapag-usap kami roon,” ani Jameson.

Sa kabilang banda, tiyak makare-relate ang lahat ng kabataan, pati na rin ang kanilang mga magulang sa nakaiintrigang kuwento ng millennial barkada movie na G!

Bukod kina McCoy at Jameson, kasama rin dito sina Paulo Angeles at Boyband PH Mark Oblea. Ka-join din dito ang Kapamilya youngstar na si Kira Balinger.

Ang G! ay tungkol sa isang binatang (McCoy) football player na may cancer na gustong gawin ang lahat ng mga nasa bucket list kasama ang kanyang mga kaibigan kabilang na ang magwalwal at magpakaligaya ng walang humpay.

Ayon naman kay Direk Dondon, “G’ is a series of the good times and bad times, meant to show the value of love, friendship, family, and life. We want to reintroduce the same classic feel in the current filmmaking scene. It is the story of its viewers, reflecting their own struggles and emotions as they come of age.

It’s a very maloko movie, but it’ll touch your hearts. Animated pero the sense of realism is there. At the end of the day you’d want to talk to your best friend,” dagdag pa ng direktor.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …