MARAMING millennials, pati na rin ang kanilang mga magulang ang makare-relate sa kuwento ng millennial barkada movie na G!.
Ito’y tinatampukan ng tatlong Hashtags members na sina McCoy de Leon, Paulo Angeles at Jameson Blake, plus ang miyembro ng Boyband PH na si Mark Oblea. Mula sa direksiyon ni Dondon Santos, ang G! na handog sa Cineko Productions ay nag-iisang tropa movie sa 2019 Pista Ng Pelikulang Pilipino na mapapanood sa mga sinehan sa Sept. 13-19.
Ang pelikula’y tungkol sa binatang (McCoy) football player na may cancer na gustong gawin ang lahat ng nasa kanyang bucket list kasama ang kanyang mga kaibigan. Kabilang na rito ang magwalwal at magpakaligaya nang walang humpay. Ang G! ay isang millennial term na maraming kahulugan tulad ng game, go, get-up, at iba pa. Ibig sabihin, kapag sinabi mong G ka, G na G, or game na game ka.
In this world of millennials, ang salitang ito ay madalas na naririnig sa mga kabataan ngayon. Ayon kay Direk Dondon, lahat ay makare-relate sa kuwento nito.
“‘G’ is a series of the good times and bad times, meant to show the value of love, friendship, family, and life. We want to reintroduce the same classic feel in the current filmmaking scene. It is the story of its viewers, reflecting their own struggles and emotions as they come of age. It’s a very maloko movie, but it’ll touch your hearts. Animated pero the sense of realism is there. At the end of the day you’d want to talk to your best friend,” wika niya.
Kasama rin dito sina Rosanna Roces, Kira Balinguer, Dominic Roque, Jao Mapa, Precious Lara Alcaraz, Roxanne Barcelo, Gio Alvarez, Moi Bien, Joey Marquez, at iba pa.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio