“I have so much respect for her as a person and as an artist.” Sambit ni Javi Benitez nang makorner siya ng ilang piling entertainment press sa shooting ng kanilang pelikulang Alpha Kid One na idinidirehe ni Richard Somes.
Ani Javi, may nag-recommend kay Sue na isang kaibigan at napatunayan naman niya ang sinabi niyon na totoo. “True enough na sinabi ng kaibigan ko na wala siyang arte, she’s professional. Ang dali niyang ka-work and easy to get along. Tapos Ilongga pa, madaling kumanta, kaya ayun,” paliwanag ng tinaguriang sexy action star ayon na rin sa kanilang direktor na si Somes.
First time pa lang nakita ni Javi si Sue, alam na niyang bagay at tamang maging leading lady niya si Sue.
Aminado si Javi na mahiyain siya at nakita niya ang kakikayan ng aktres at alam niyang magja-jive silang dalawa.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio