Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marc Cody Senior, magla-launch ng cook book at Youtube channel

NAGBABALIK ang international model, singer, producer ng mga show, businessman, actor, at pilantropong si Marc Cody Senior. Year 2003-2008 siya naging aktibong model sa Europe.

Ngayon ay may nilulutong kaabang-abang na projects si Marc, kabilang dito ang kanyang magazine type cook book at ang YouTube channel niya na so far ay 25 percent na ang natatapos na videos.

Panimulang kuwento niya sa amin, “Actually Tito, local dish and fusion ito.”

Kailan nag-start ang pagkahilig niya sa pagluluto? Bakit hindi siya kumuha ng culinary course? “Kasi Tito, I don’t need to be a chef… may mga tao nga na kumuha ng six months certificate, chef na. Di ako ‘yun, kung magiging gold itong ginagawa ko, I want everyone to know that anyone can cook. So ‘yun ang title ng magazine ko, “Everyone Can Cook” na sa mga supermarket ilalabas.

“I didn’t study, pero alam n’yo naman ako, nagluluto para sa pagmamahal. Since then Tito, mahilig na ako magluto, pero ‘yung pagluluto ko, I do it not to earn. I do it para sa mga bisita, mga charity, sa mga kaibigan, ganoon. So kahit hanggang ngayon, ganoon pa rin ang ginagawa ko, I always cook para magbigay. Nag-start ako since I went back here in the Philippines. During sa co-op pa rin sa Montalban, siguro 10 years ago na.”

Bakit Everyone Can Cook? Madadaling recipe ba ito? “Everyone Can Cook, kasi katulad ko, ‘di naman ako culinary chef pero at least, I was able to cook din. Naging passion ko iyon, e. So ‘yun, I would like everyone to know that everyone can cook and you don’t need be a certified sa level ng culinary expert,” aniya.

Actually, si Marc ay muntik makapasok noon sa Master Chef Asia. “Muntik ako makapasok sa Master Chef Asia, kaso naging Top-10 lang ako sa Filipinas, ‘saka ako natanggal. Muntik na ako roon sa Master Chef Asia, kasi iba ‘yung Master Chef Philippines, e, iba rin ‘yung Master Chef Asia, per country, may representative. Muntik na ako roon, I was able to be like, umabot na ako sa pinaka-final stage. Saka before rin naman, may background ako sa Channel 5 at Studio 23, main guest ako roon, resident cook ako,” sambit ni Marc.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …