HINDI pa rin kumukupas ang talento at galing sa pagpapatawa nina Janno Gibbs at Andrew E. Pinatunayan nila ito sa pelikulang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo handog ng Viva Films kasama si Dennis Padilla.
Click sa mga dumalo sa premiere night ng Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo ang sinasabing ”old-school comedy” ng reunion movie ng tatlo na idinirehe ni Al Tantay.
Hagalpakan ang mga nanonood sa premiere night. Bukod sa komedya ng tatlo, mapapanood pa rin ang pagiging malikot ng tatlo sa mga chika babe. Pero ang pinaka-winner sa kanila ay si Janno dahil kung ilang babae ang nahumaling sa kaguwapuhan niya.
Ang kuwento ay umikot kina Andy, Johnny, at Dondon na papasok sa mas komplikadong buhay dahil sa panlilinlang.
Pumanaw ang milyonaryong si Don Robert Endrinal, (tatay ni Janno) na natuklasan nina Andy at Dondon (Andrew E. at Padilla) na ang kaibigan nilang si Johnny (Gibbs) ay anak ng yumaong businessman, kaya’t siya ang naging tagapagmana ng naiwang negosyo. Ngunit nang dumating ang magkakaibigan sa mansyon, ang tatamad-tamad na si Johnny ay ipinakilala si Andy bilang si Johnny. Ito ay upang matakasan ang responsibilidad sa paghawak at pagpapatakbo ng negosyo. Ang masipag na si Andy at ang tusong si Dondon ay nakisakay na lang sa pagpapanggap na ito.
Namumuhay ang tatlo sa karangyaan at kapangyarihan, hindi rin maiwasang maging habulin ng mga kababaihan. May mga tao rin silang dapat na harapin gaya ng land developer na si Mr. Russel (Eddie Garcia) na gustong angkinin ang hacienda ni Johnny upang gawing casino complex.
Bale itong pelikulang ito ang pinakahuling nagawang ni Manoy Eddie.
Bukod sa pagpapatawa, tiyak nabusog din ang mga mata ng mga manonood sa kaseksihan nina Louise delos Reyes, Cindy Miranda, at Vanessa Wright.
Kasama rin sa pelikula sina Julian Trono, Vitto Marquez, at Andrew Muhlach na gumanap bilang mga batang bersiyon nina Andy, Johnny, at Dondon.
Palabas na ang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo na rated PG sa mga sinehan simula ngayong September 4.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio