HUMINGI ng paumanhin si Angel Locsin sa mga nagtungo sa Tuna Festival 2019 ng General Santos City nitong weekend.
Hindi kasi nakapunta si Angel sa Tuna Festival dahil bigla siyang nagkasakit. Magpe-perform sana roon si Angel kasama ng ibang mga artista sa The General’s Daughter.
Ayon sa tweet ng aktres, “I’m so sorry Gen San (crying emoji) Super excited pa naman akong makasama kayo (crying emoji).”
Ipinakita rin niya ang litrato ng medical certificate mula sa kanyang orthopaedic doctor. May “parathoracic muscle strain” kasi sa kaliwang bahagi ng katawan ng dalaga kaya nahihirapan siyang huminga.
Kaya naman tatlong araw siyang pinagpapahinga ng doktor, “Don’t worry, I’m okay… masamang damo alam nyo na… hehehe.”
“Pero babawi po ako sa inyo pag punta ko po dyan. Promise po magpaparaffle ako sa show (crying emoji),” sabi pa ni Angel.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio