Thursday , December 26 2024

Walang Hanggang Ligaya sa Una Mong Ngiti, big winner sa Get Reel Mobile Shorts Film Festival 2019

NAKATUTUWA ang ginawang pagpapahalaga ng McJim Classic Leather sa mga baguhang direktor at artista. Isang bonggang award sa pamamagitan ng Get Reel Mobile Shorts Film Festival 2019 ang ginawa nila kamakailan sa Cinema 1 ng Fisher Mall.

Bale pitong short inspiring, heart-rending, at relatable mobile shorts entries na binuo sa pamamagitan ng smartphones ang naglaban-laban para sa iba’t ibang kategorya ng festival. Ang tema nito’y Get Reel Mobile Shorts filmfest tungo sa modern Filipino gentleman and the values he holds dear.

Kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ng festival director nitong si Chris Cahilig dahil matagumpay ang ginawang award at screening ng mga pelikula. “Get Reel is understandably proud to have provided an avenue for such filmmakers who rose to the challenge and turned out truly remarkable and impressive works,” sambit ng award-winning filmmaker na si Cahilig.

Bago ang awards ceremony, ipinalabas muna ang pitong finalists. Big winner ang Walang Hanggang Ligaya Sa Una Mong Ngiti ni Dylan Ray Talon at May Love Life Na Si Pepito Jr. ni Dylan Ray Talon.

Ang Walang Hanggang Ligaya Sa Una Mong Ngiti ang tumanggap ng McJim Prize for Best Mobile Short Film na may kasamang P50,000. Nakuha rin ng pelikula ang Best Director para kay Dylan Ray Talon (na may kasamang P25,000 cash) at Best in Cinematography (P10,000).

Ang May Love Life Na Si Pepito Jr. ang itinanghal na Best Screenplay at Best Comedy, na may P20,000 at P25,00.

Ang Pitaka ni Mark Jason Sucgang ay nanalo ng P25,000 para sa Get Reel Viral Shorts Award; ang Champion ni John Carlo Balasbas Tarobal naman ay nanalo ng P10,000 bilang Best Inspirational Story; at ang Kabilin ni Roy Robert Rusiana ay nagwagi ng P25,000 bilang Best Drama.

Nagbigay din ng acting citations ang mga hurado para sa mga aktor na nagsiganap sa pitong short films. Ito ay sina Russel Ian Paguia para sa May Lovelife Na Si Pepito Jr.; Jorrybell Agoto para sa Walang Hanggang Ligaya Sa Una Mong Ngiti; Jonathan Oraño para sa Pitaka; Marialyn Tamarra para sa Cotard Syndrome; Philip Carlo Ty at King Richard Visto para sa Kabilin; at James Lohoman, Shawn Villete, at Carlo Tarobal para sa Champion.

“McJim Classic Leather presented this cutting-edge event to give aspiring filmmakers a chance to share their content with a massive audience in the digital age where short films have become a way to spread meaningful and timely messages, and mobile devices have become a tool for creating relevant content,” sambit pa ni Cahilig.

Napansin na rin ang Get Reel sa international film festivals dahil sap ag-viral at unforgettable short films nitong tulad ng Bag, Sinturon, at  Pitaka na binuo at ipinrodyus sa collaboration na rin ni Cahilig.

“With intent to affirm the uniqueness of Filipino artistry and excellence before a global audience, McJim continues to innovate through efforts such as the Get Reel Mobile Shorts Festival, which showcases the very same values that the brand pursues when creating McJim products,” giit pa ni Chris.

Samantala, lahat ng winning entries ay mapapanood sa official McJim Classic Leather Facebook page.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *