MAITUTURING na phenomenal ang biglaang pagsikat ni Seth Fedelin simula nang lumabas ng PBB.
Just imagine, after three months simula nang lumabas sa Bahay ni Kuya, nagkaroon agad ng Kadenang Ginto at isang movie na ang titulo ay, Abandoned with Beauty Gonzales na ipalalabas na ngayong August 28 sa iWant.
Mayroon din si Seth ng The Gold Squad, naisama sa ASAP Bay Area sa Amerika, ratsada sa mga out of town shows, at may bagong aabangan pa sa kanilang dalawa ni Andrea Brillantes.
Nakabili na rin siya ng kanyang sariling sasakyan. Grabe ‘di ba?
Well, kahit si Seth ay hindi makapaniwala sa kasikatang tinatamasa ngayon. Happy siya ng bonggang-bongga at wala itong katumbas lalo na ang tiwalang ibinigay sa kanya ng mga sinasabi niyang mga bossing sa Kapamilya Network at higit sa lahat ay naibibigay na niya ang kaginhawaan sa kanyang pamilya.
Well! Ganoon talaga ang suwerte kapag dumarating hindi natin alam kung kailan papasok at matatapos. Kaya kapag mainit-init ka pa sa showbizlandia bilang isang artista, samantalahin ang pagkakataon. Dahil hindi lahat ay napagbubuksan ng pinto.
REALITY BITES
ni Dominic Rea