Friday , December 27 2024

iWant, Netflix, iflix, Hooq, nagsanib-puwersa: Kapakanan ng Pinoy isasaalang-alang

NAKIISA ang iWant, unang streaming service mula sa Pilipinas sa iba pang streaming platforms sa ASEAN region kagaya ng Netflix, HOOQ, iflix, tonton, Astro, at dimsum ng Malaysia, at DOONEE ng Thailand para sa ASEAN Subscription Video-on-Demand Industry Content Code.

Ang kasunduan ng naturang Content Code ay bilang pagtataguyod ng iWant sa responsibilidad nitong panatilihing tunay at malaya mula sa pornograpiya at maseselang tema gaya ng diskriminasyon laban sa iba’t ibang uri ng tao at organisasyon sa mga palabas na inihahandog sa iWant user.

“Nagagalak kaming makiisa kasama ang ibang streaming platforms sa kasunduan at nangangakong magpo-prodyus ng mga palabas na pangangalagaan ang kapakanan ng mga Pinoy—ang numero unong prioridad ng iWant bilang unang Pinoy streaming platform. Bukod sa paghahandog ng de-kalidad na entertainment, layunin naming makapili at makapanood ang bawat miyembro ng pamilya ng video content sa iWant na naaayon sa kanilang kagustuhan,” giit ni iWant head, Elaine Uy-Casipit.

Binuo ang Content Code noong 2017 at opisyal na inilabas noong Hunyo 2018. Isa itong dokumentong nagbabalangkas ng mga panuntunang sinisigurado sa buong ASEAN region ang pagmamalasakit ng online streaming services sa kanilang users sa pamamagitan ng paglikha at pagprodyus ng mga palabas na hindi lumalabag sa copyright at hindi isinusulong ang pornograpiya, karahasan, terorismo, at diskriminasyon.

Layunin din ng Content Code na protektahan ang mga menor de edad mula sa pagkakaroon ng access sa mga hindi naaangkop at sensitibong palabas. Binibigyang kapangyarihan din nito ang mga user at kani-kanilang pamilya na pumili ng panooring angkop sa kanilang mga pangangailangan, interes, at prinsipyo, at nagsisilbing proteksiyon sa mga streaming service laban sa pamimirata.

Sinabi naman ni Louis Boswell, CEO ng Asia Video Industry Association (AVIA), “We are delighted to welcome another Online Curated Content (OCC) provider signing up to the code. Self-regulation of this industry was first discussed in September 2017 at the ASEAN Telecom Regulators Council dialogue, as a way to create pan-ASEAN solutions. Putting in place a code which distinguishes legitimate, responsible content providers from pirated and user-generated-content platforms gives regulators confidence and consumers control. We are glad to see the momentum of adoption across the region and look forward to seeing more companies join us in this commitment.”

Ang pagpirma ng Content Code ay isinagawa ng iWant at AVIA kahapon, (Agosto 28) at sinaksihan ng mga partner nila mula Netflix, (ni Asia Pacific public policy manager nitong si Alex Long); iflix (ang country manager nitong si Sherwin Dela Cruz); HOOQ (ang country manager nitong si Sheila Paul at ang director of content and programming nitong si Jeff Remigio); at ang AVIA policy and research director na si Clare Bloomfield.

Ang iWant ang may pinakamalaking koleksiyon ng Pinoy movies, shows, at live events, at naglalabas ng original movies at series kada buwan mula nang inilunsad ito noong Nobyembre 2018—patunay na unti-unti nitong binabago ang Filipino entertainment landscape sa larangan ng pagpoprodyus ng digital content. Sa ngayon, mayroon na itong 3.8 million app downloads at 13 milyong subscribers.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *