Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, may mensahe sa mga naninira: Bahala na ang Diyos sa kanila

TAMA na naman ang ginawa ni Bea Alonzo. Kasunod ng kabi-kabilang statements na sinisiraan siya ng iba’t ibang grupo, sinabi niya sa kanyang social media post na, ”bahala na ang Diyos sa kanila.” Iyan naman ang tamang attitude talaga. May magagawa ka nga ba roon sa mga naninira sa iyo kung hindi ipagpasa-Diyos mo na lang, after all ang Diyos naman ang nakaaalam ng lahat ng katotohanan.

Sinasabi nga nilang sa kanyang attitude, hindi siya maaaring magkamali.

Sa simula’t simula naman may mga basher ding naninira kay Bea, pero ang ginawa nga niya hindi niya pinansin ang mga iyon, at sinasabi niyang ipinagdarasal na lang niya ang mga taong naninira sa kanya. Hindi niya sinagot ang sinasabi ng kanyang mga kalaban. Naniwala nga kasi siya na ang pinakamahusay na panlaban ay huwag mong pansinin kung ano man ang sinasabi nila.

Sa halip, sinasabi nga niyang gagawin niya kung ano sa palagay niya ang mas makapagpapabuti pa sa kanyang propesyon bilang isang artista. Nag-aaral siya ngayon ng pagsusulat ng script, hindi naman dahil sa isang ambisyong maging script writer kundi sa paniniwala niyang kung ganoon nga ay mas maiintindihan niya at mas maa-appreciate ang mga script na inihaharap sa kanya para sa mga gagawin niyang pelikula.

Kaysa nga naman sa ubusin niya ang kanyang oras sa kababasa ng kung ano-anong talak na makapagpapasama lang ng loob niya. In the first place, ano nga ba ang sinabi niyang masama laban sa kanino man? Ni wala naman siyang sinabi.

Inamin lang niya na hindi sila nag-split ni Gerald Anderson kundi basta na lang siya hindi kinausap noon, na inamin din naman ni Gerald dahil away nga raw sila ng away. Eh ano ang masama roon?

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …