Friday , December 27 2024

Ang Probinsyano, lalong tumaas ang ratings dahil kay Juday

TALK of the town ang naging pagpasok ni Judy Ann Santos sa Ang Probinsyano dahil nawala ang antok nila habang  pinanonood ang magaling na aktres.

Anila, naging maganda ang takbo ng istorya dahil sa iba’t ibang karakter na ipinakikita ni Juday.

Nariyang umiiyak, tumatawa tapos biglang nagagalit sabay lungkot ng mukha at kinakausap ang sarili.

Nakadagdag taas ng rating ang pag-entra ng aktres sa buhay ni Coco Martin.

Pinag-uusapan din ang bait-baitan epek ni Lorna Tolentino  na kinaiinisan tuloy ng komedyanang si Whitney Tyson.

Problema lang para sa mga manonood  hindi pa man natatapos ang problema kay Baron Geisler alyas Bungo, naagaw na ni Juday ang moment.

 

Alden, pinagpapala dahil sa pagiging relihiyoso

MALAKING bagay ang pagiging relihiyoso ni Alden Richards.

Ayon sa mga avid fan ng actor, sino nga ba naman ang mag-aakalang pagkatapos nilang mag-shooting sa HongKong ni Kathryn Bernardo ay biglang sumiklab ang kaguluhan sa naturang lugar.

Bagamat may kaguluhan, umaani ng limpak-limpak na salapi sa takilya ang kanilang pelikulang Hello, Love, Goodbye.

 

Maja, horror queen

MAY mga nagsasabing si Maja Salvador ang dapat taguriang horror queen dahil maganda ang rating ng seryeng The Killer Bride.

Bago ito, mataas din ang naging rating ng Wild Flower na inilalampaso ang katapat na show sa kabilang network.

Mahilig ang mga Filipino sa katatakutan.

Bukod kay Maja, malakas din ang hatak nina Joshua Garcia at Janella Salvador sa The Killer Bride.

 

Hermano Mayor Tengco, handa na sa kapistahan ng Bulacan

Handang-handa na ang Hermano Mayor na si Jorge Allan Tengco sa gaganaping kapistahan sa Bulacan.

Lalahok sa pagdiriwang ang may 27 barangay na may sari-sariling patron saint sa kabayanan. Si San Agustin ang patrong dinarayo tuwing may celebration ng kapistahan.

May mga street dancer ding sasayaw habang nagaganap ang prusisyon at may iba’t ibang parlor games.

Ikalimang taon ng paninil­bihan ni hermano mayor Jorge.

***

BIRTHDAY greetings to August born—Mel Tiangco, Atty. Persida Acosta, Se. Leila de Lima, Cogie Domingo, Mother Lily Monteverde, Sen. Lito Lapid, Amalia Fuentes, Aga Muhlach, Yayo Aguila, Kaladkaren Avila, at Delia Razon. 

Happy birthday din kina Ellen Varilla Nays of San Francisco, California. Greetings coming from her loving husband and two children, Poch and Bo  and grandson, Paolo.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *