Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sue, walang takot na nagbuyangyang sa Cuddle Weather

SA poster pa lang, nakaiintriga na ang mga pose na ginawa nina Sue Ramirez at RK Bagatsing para sa pelikulang Cuddle Weather, official entry ng Regal Entertainment para sa Pista ng Pelikulang Pilipino or PPP.

Suggestive at daring ang posisyon nina Sue at RK kaya may idea na tayo kung ukol saan ang pelikula. Tatalakayin sa pelikula ang isang sensitive topic na nag-e-exist naman sa ating komunidad.

This is the most fearless role that I’ve taken on,” sambit Sue Ramirez na gumaganao na pokpok.

I am a sex worker here. Kasama ko rito si RK Bagatsing,” ani Sue.

Bagamat seryoso ang subject ng pelikula, isang romantic-comedy ito. First time ring ginawa ni Sue ang magpaka-daring na kilala sa pagiging wholesome.

It’s a different side of me. It’s something that I’m afraid of, but kinagat ko and kapag nandoon ka na, you’re gonna have that urge to do well at it. Kasi kapag may mga tinanggap akong bagay sa buhay ko, gusto ko fight ako talaga, as in…” 

Aminado naman si Sue na ninerbiyos siya sa mga lovescene nila ni RK. At malaki ang pasalamat niya dahil inalagaan siya ng magaling na aktor kaya naman naging komportable na siya.

Si RK super gentleman. Hindi ako nakaramdam ng ilang. I feel safe around RK, so that’s a great partnership ‘pag nagtatrabaho kayo. You have to be really comfortable. You have to feel safe with each other. Mayroon nga si Ram, his character, na shower scenes tapos pinanonood siya ng character ko.” 

Nang tanungin kung hanggang saan kaya magbuyangyang ni Sue, sagot niya, “As far as they need me and as far as Star Magic will allow me. But the character of the movie, maganda ang journey ni Adela Johnson. Mararamdaman ng mga makakapanood nito ang kilig at ang pagiging strong at ang weakness ni Adela, because sila rin, may marupok na puso.” 

Idinagdag pa ng aktres, “Ikinukuwento sa pelikula nito paano ba sila mabuhay sa panahong ito. Nai-in love ba sila?” 

Sa kabilang banda, hindi puro pagpapa-sexy ang pelikula. Brilliant ang story nito, ‘ika nga ni Sue, “a serious and socially relevant issue told in a comedy. 

“It’s funny, it’s very witty, it’s not your typical hugot film, hindi lang huhugot, babaon pa sa inyong mga puso” sambit pa ng aktres.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …