MASAYA naman si RK Bagatsing, na gampanan ang papel ng isang sex worker.
“Ito, masasabi ko na kakaiba sa ginagawa ko on television. Making a movie like ‘Cuddle Weather,’ portraying a role as a sex worker, bagong experience, hindi palaging may ganito.”
Kuwento nga ni RK, “Nag-aral kami ng buhay nila, paano sila magmahal sa kabila ng paghuhusga ng mga tao sa paligid nila. Nakausap namin ‘yung mga totoong tao at respeto ang maibibigay namin sa kanila. Ito rin ‘yung gusto naming ipahatid sa mga tao.”
Sina
bi naman ng direktor ng Cuddle Weather na si Rod Marmol, “My first reason in making this film is to examine sex, its beauty and tragedy, through a love story of two sex workers who don’t make love until the latter part of the film.
“Lastly, I believe that with the advent of dating apps and websites, the current generation is the most sexually-active. However, we remain to be the loneliest and least responsible. It is high time to scrutinize the inverse correlation of intimacy and happiness and there are no better characters to face that question than those who are experts at sex”, dagdag ni Marmol.
Ang Cuddle Weather ay produced ng Regal Entertainment, Inc., at line produced ng Project 8 San Joaquin para sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio