Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Lolit Solis

Kris, nagpapa-manage kay Lolit

OVER the week ay nagpasaklolo na si Kris Aquino kay Lolit Solis sa dalawang dahilan: una, ang i-manage siya nito; ikalawa, ang pakiusapan ang GMA na bigyan siya ng show.

Sa mga ‘di nakaaalam, dati nang hinahawakan ni Lolita ang career ni Kris. Sometime in the 90s ‘yon . Si Lolit nga ang instrumental sa pagkakapasok ni Kris bilang isa sa mga original hosts ng Startalk noong 1995.

Tumugon na si Lolit sa panawagan ni Kris. After all, mayroon naman silang pinagsamahan noon.

This is our take though.

Kung sa pagkakaroon ng show ni Kris sa GMA ay posible pang mailambing ito ni Lolit sa pamunuan ng estasyon, But a regular show, we doubt it.

Aminado si Lolit na kahit si Willie Revillame ay walang nagawa para gawing pansamantalang co-host si Kris sa kanyang Wowowin. Just when Kris thought na kasado na sana ang hosting stint niya noong 2017 ay kinansela ito last minute.

Kung manager-talent relationship naman ang pag-uusapan, may alinlangan din kami.

Sa pagkakaalam namin, hindi basic princples ang pinaiiral ni Lolit pagdating sa paghawak ng kanyang mga alaga. Walang kontra-kontrata. Berbalan lang, kumbaga.

This is very un-Kris na gusto ng pormalidad sa lahat ng mga transaksiyong pinapasok niya. Dapat black and white. To the letter, ‘ika nga.

After all, may sariling accountant si Kris na nag-aasikaso ng lahat ng kanyang finances including the tax payments na sine-settle niya taon-taon nang walang mintis.

Ang pakiusap na ‘yon ni Kris kay Lolit ay bunsod ng pagkaka-disqualify ng  MMFF  sa dapat sana’y entry niya, ang (K)ampon.

Kris being the co-producer with  Quan­tum Films ­made sure na plantsado lahat ang project. At ang dahilan ng kanyang pagkadesmaya sa Quantum Films—dinig namin—ay ang pagkukulang nito dahil ‘di nito agad pagsumite ng sulat sa MMFF regarding the replacement of Derek Ramsay.

Ganoon kabusisi si Kris. Kaya paanong magiging posible ang muli nilang professional relationship ni Lolit kung ang huli’y petiks-petiks lang sa pagma-manage pero epektibo rin naman?

Senyales ito na mas dapat na lang pagtuuunan ni Kris ang kanyang kalusugan. Maybe her MMFF entry wasn’t really meant for the festival dahil baka ang ngaragan pang ito ang magdulot ng negatibong impact sa kanyang health condition.

Kris and Lolit all over again?

Huwag nang ipilit, ‘no!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …