Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Josh, pinagkaguluhan sa Puka Beach; Bimby, sinita ang see-through na damit ni Kris

NAKATUTUWANG makita ang ipino-post na pictures at videos ni Kris Aquino sa social media kaugnay ng kanilang bakasyon at adventure sa Boracay. Sa video na naka-post sa official Facebook page ni Kris na namamasyal sila sa tabing-dagat ay larawan sila ng masayang pamilya na ine-enjoy ang Boracay with their sweet moments together.

We’re together as a family,” sambit ni Kris.

Natatawang singit naman ni Bimby, “We’re together everyday.”

Natawa na lang din si Kris sabay sabi, “Okay. Pero ‘di ba quality bonding time as a family.”

Kuwento pa ni Kris sa video, “I hope ine-enjoy niyo ang aming Boracay adventure. Ang linis ng tubig. Even it’s a cloudy day, but eto ‘yung maganda for me. Ie-explain ko lang sa inyo why I’m enjoying this. It’s because kalaban ko ‘yung masyadong matingkad na araw, so this is perfect. Maganda sa akin ‘yung sea breeze na ganito, na malakas ang hangin, kontra sa allergy, so I’m happy. This is for me the perfect time to be out.”

Tinanong din ni Kris sina Josh at Bimby kung ano ang paborito at ine-enjoy nila sa Boracay. “The nice view,” ani Bimby. Gusto rin ng magkapatid ang banana boat at jet ski.

Pagkata­pos ng pama­masyal nila sa dalam­pasigan, nagpaalam si Josh para sa kanyang e-tricycle ride trip. Si Bimby naman ay magda-darts.

Aba, pwedeng-pwede na ring vlogger si Josh ha at documented ang kanyang e-tricycle experience. Nagpunta rin siya sa church para magdasal.

After ng e-tricycle trip ay sumakay naman siya ng speed boat papunta sa Puka Beach. Saan man magpunta si Josh ay pinagkakaguluhan at maraming bumabati sa kanya. Pero sa Puka Beach ay heartthrob ang dating niya dahil ang daming kababaihan ang nagpapa-picture sa kanya. Tuwang-tuwa naman si Josh at pinagbibigyan ang mga tao sa kanilang groupie at selfie.

Makikita ang magandang pagpapalaki ni Kris at namana pa ang magandang PR ng ina.

Si Bimby naman nag-enjoy sa kanyang dart games at table tennis.

Sa huling part ng video ay magkakasama na ulit sina Kris, Josh, at Bimby na ine-enjoy ang pagkain at bonding sa hapag-kainan.

 

Bimby, sinita ang see-through na damit ni Kris

MAPAPANOOD din sa video na ipinost ni Kris Aquino sa kanyang official Facebook page ang nakaaaliw at nakahahanga at the same time na ginawang pagsita ni Bimby sa see-through damit na suot ng kanyang Mama Kris nang mamasyal sila sa tabing-dagat sa Boracay.

Suot ni Kris ang manipis na puting damit at aninag sa loob ang multi-colored swimsuit niya. Pero depensa ni Kris, “Ayaw kanina ni Bimb na ipasuot ito kasi daw see-through. And I said, wala naman silang makikita!”

Ibig sabihin lang super protective at concern si Bimby sa kanyang Mama. Sa batang edad niya ay mature na siyang mag-isip at gusto niya lang protektahan ang ina.

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …