Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Beteranang aktres, nagtampo sa ‘di pagbati ni action star

NAGHIHINANAKIT ang isang beteranang aktres sa isang sikat na action star dahil sa pang-iisnab umano nito sa kanya sa isang pagtitipon.

Ang nasabing showbiz gathering ay naganap sa lamay ng isang premyadong aktor (kailangan pa bang banggitin kung sino siya?).

Ang kuwento, unang dumating ang aktres kaya naman pinalibutan siya ng mga kasamahan sa hanapbuhay bilang respeto na rin sa kanya. Maya-maya’y dumating na rin ang action star pero hindi man lang ito lumapit sa kinaroroonan ng aktres para magbigay-pugay.

Doon umano sumama ang loob nito, na ginatungan pa ng malapit na kaibigan nito. “Hmp! Akala mo kung sino, eh, nakadikit lang naman sa isang politiko!” sey ng veteran actress’ friend patungkol sa isnaberong aktor.

Hindi tuloy nito maiwasan na isumbat (pero sa loob-loob lang niya) na hindi pa raw bayad ang malaking pagkakautang ng action star sa namayapang mister ng beteranang aktres.

Da who ang veteran actress at ang action star? Itago na lang natin sila sa alyas na Sue Santa Rosa at Filemon Aparador.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …