Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Young actress, ‘di kuntento sa relasyon kaya naghanap ng iba

HINDI na raw pinagtatakhan ng marami kung bakit natsitsimis ang isang young actress sa isang mayamang negosyante na nasa likod umano ng pagpapagawa ng bahay nito.

Yes, sa isang non-showbiz guy naman iniuugnay ngayon ang aktres na balitang nakipagkalas sa kanyang actor-boyfriend kamakailan.

“Ang buong alam ng tao, eh, playboy daw ‘yung actor kaya sila nag-break pero hindi ‘yun ang totoo, ‘no!” sumusumpang sey ng aming source.

Dagdag pa nito, “Boys will be boys, pero mas masagwa yatang tingnan na ang hindi nakukuntento sa isang relasyon, eh, ‘yung babae, ‘di ba?”

Nang matuklasan daw ng aktor ang umano’y third party sa kanilang relasyon, sa break-up nauwi ang lahat. Ano raw ba naman kasi ang panama ng actor-boyfriend kung ang karibal niya’y richie-richie samantalang breadwinner pa mandin siya sa pamilya?

Da who ang young actress na bukod sa isang mayamang benefactor ay nagpalit na rin ng dyowa? Itago na lang natin siya sa alyas na Mahalia Biaratilyo.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …