SINA Kathryn Bernardo at Liza Soberano ang mga paborito at gustong makapareha ng SMAC Pinoy Ito! host na si Matteo San Juan.
Tsika ng batang aktor sa taping ng kanyang birthday celebration sa SMAC Pinoy Ito! na ginanap sa The PlayHub, kamakailan, “Among sa mga teen actress, gusto ko pong makatrabaho sina Kathryn at Liza. Bukod kasi sa maganda sila, napakahusay pa nilang umarte.
“Kaya nga ‘yun ‘yung isa sa birthday wish ko na gusto kong matupad, ang makatrabaho sila. Bukod pa na sana ay tumagal ‘yung show namin at ‘yung iba pang show ng SMAC TV Production.”
Bukod sa main host si Matteo ng SMAC Pinoy Ito! na napapanood every Saturday sa IBC 13 from 4:00-6:00 p.m., isa rin ito sa mga hurado sa Artista Teen Quest na napapanood din sa IBC 13 at ginagawa na nito ang sequel ng pelikulang agkadugo na nanalo siya bilang New Movie Actor of the Year sa PMPC Star Awards for Movies.
MATABIL
ni John Fontanilla