Saturday , December 28 2024

BRIA Homes: Hindi kailangan manalo sa lotto para magkabahay

DITO sa Filipinas, maraming tumataya sa lotto. Sa hirap ng buhay sa ating bansa, ang mga Filipino ay nangangarap at umaasa na sa isang iglap, ang lotto jackpot ay makapag­bibigay sa wakas ng maginhawang buhay para sa pamilya.

Kapag tatanungin ang napakaraming Filipino na tumataya sa lotto kung ano ang gagawin nila sa pera sakaling manalo, hindi na nakagugulat ang sagot na “bibili ng sariling bahay.”

Dahil sa dami ng kailangan unahin, ang pangarap na makapagpundar ng sariling tahanan ay isinasantabi na lamang at ang sahod ay inilalaan sa pangunahing pangangailangan at sa edukasyon ng mga bata.

Pero magandang balita ang hatid ng BRIA Homes: hindi na kailangan manalo sa lotto para magkaroon ng sariling bahay ang ordinaryong Filipino. Matagal nang tinutupad ng BRIA Homes ang pangarap na makapagtayo ng mga komunidad na may mura at dekalidad na pabahay. Unti-unti, nakikita na ng ordinaryong mga Filipino na abot-kaya ang pagkakaroon ng sariling bahay dahil sa BRIA.

Sa tulong ng epektibong pormula ng BRIA Homes: Affordability (Mura) + Superior Quality (Dekalidad) = a beautiful BRIA Home for Every Filipino, maaari nang magkaroon ng sariling bahay kahit hindi manalo sa lotto. Nasosolu­syo­nan na rin ang problema ng Filipinas pagdating sa pabahay.

Paano? Dahil sa BRIA Homes, posibleng makabili ng maayos na house and lot package o condominium unit sa halagang P1,897 kada buwan — kayang-kaya ng isang ordinaryong manggagawang Pinoy.

Hindi lang mura ang mga bahay na ito. Ipinagmamalaki rin ng BRIA Homes na ang bawat unit ay may maayos na disenyo at sapat na espasyo para sa pangangailangan ng iba’t ibang klaseng pamilyang Filipino.

Bukod sa pagiging abot-kaya sa bulsa ng bawat Pinoy at kaayusan ng bawat tirahan, ang bawat komunidad ng BRIA ay malapit sa mga paaralan, simbahan, pamilihan, ospital, iba’t ibang pamamamaraan ng pampublikong transportasyon, at mga pangunahing kalsada at highway.

Masisiyahan din ang mga nakatira sa mga komunidad ng BRIA dahil sa maayos nitong mga pasilidad na sinisigurong ligtas at masaya ang mga pamilya rito.

Napakabilis ng konstruksiyon ng mga komunidad sa iba’t ibang mga bayan at lungsod sa Luzon, Visayas at Mindanao, kaya naman makaaasa ang bawat Filipino na hindi mag­tata­gal, kakayanin na nilang bumili ng sarili nilang mga bahay at tumira sa modernong komunidad ng BRIA.

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *