Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sachzna Laparan bumida lang sa isang movie Feelingera na

NANG ma-interview namin noon itong si Sachzna Laparan sa pocket presscon ng movie nila ni Dino Imperial na “Love; Life” na naipalabas na, pakiramdam namin dahil ma-PR naman ay wala siyang ‘attitude.’

Ibinigay pa nga namin ang contact number namin dahil OPM niya ay paiimbitahan niya kami sa presscon at iba pang event ng Frontrow. Hahaha, malaking drawing lang pala. Ang hindi namin ma-take tuwing nagla-like kami o comment sa mga ipino-post niya sa FB ay dinedeadma kami ng starlet (Sachzna), pero sa iba ay panay ang kanyang pa-thank you.

So namimili siya ng papan­sining press. Bakit anong ilusyon ng hitad? Dahil ba sikat na siya o dahil alaga siya ni RS Francisco at nakatakdang i-remake daw ang Tagos Ng Dugo ni Congw Vilma Santos.

Talaga lang ha? Sa palagay mo ba ay kaya mong gampanan ang character ni Ate Vi, sa kan­yang 80s classic movie? ‘Yung acting mo na parang umeebak o umiiri, ‘di ka bagay girl, at mahiya ka naman sa Star for All Seasons.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …