Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris at mga anak, natuloy din ang bakasyon sa Boracay

NATULOY din ang pagbabakasyon sa Boracay ni Kris Aquino kasama ang dalawang anak niyang sina Josh at Bimby.

Ito ang ibinalita ni Kris sa kanyang Instagram, “Thank you for all your Boracay Travel Tips… time to make memories with kuya josh & bimb. #family.”

Ayon pa sa mensahe ni Kris sa aming kasamahan sa panulat at dating entertainment editor na si Dindo Balares, “Safely here but may dengue raw here in Boracay now. Thank God nagbaon ako ng citronella essential oil.”

Dapat sana ay noon pang August 20 nasa Boracay sina Kris, pero hindi sila natuloy that day dahil nagkaroon ng allergy at namaga si Kris sa nakaing fried baby galunggong na dumikit sa prawn.

Kasama sa advice ng doctors ni Kris para sa kanyang autoimmune disease ang pagsagap ng sea breeze o pagtira sa tabing-dagat kaya sila nagpunta sa Bora.

Bago sila pumunta sa Boracay ay humingi pa ng travel tips si Kris sa kanyang IG followers. Post ni Kris sa IG, “since i feel we’re a community here sa IG, i have questions… i’m taking the 2 boys on the 20th to Boracay (para hindi na lang maisip na yun dapat ang 1st shooting day)- i know maraming changes. So please guide us?

  1. Electric tricycles meron pa? Kuya Josh loves them
  2. Jet ski still allowed? My 2 love them.
  3. Cell signal is good? What’s stronger, Globe or Smart?
  4. Good hospital for urgent care or should we bring all my emergency supplies?
  5. Strong water pressure? Good electricity? Reliable generators?
  6. Where are the good coffee & tea (milk tea) places?
  7. Malakas ang wifi sa mga hotel?
  8. Restaurant recommendations? Family friendly food, please.

Thank you very much. Will wait for your replies. #itsmorefuninthephilippines.”

Nagkaroon ng panahong makapagbakasyon si Kris dahil hindi na nga matutuloy ang (K)Ampon, na entry sana niya sa Metro Manila Film Festival 2019. Hindi kasi pinayagan ng MMFF Rules Committee ang pagpapalit ng leading man ni Kris mula kay Derek Ramsay to Gabby Concepcion. 

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …