Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Ion Perez

Ion, nag-propose nga ba kay Vice Ganda?

OVER the week, ipinagpalagay ng ilang netizens that Ion Perez’s “Say yes, please!” post in his soc-med ay isang marriage proposal to Vice Ganda.

Bubusina muna kami dahil baka masagasaan namin ang mga kapatid na kabilang sa LGBTQ community whose members ay pinag-isa in union rites.

Kung totoo kasing nag-o-propose na si Ion kay Vice Ganda, why take the proposal to social media gayong puwede naman nila ito isapribado? Nais ba ni Ion na isapubliko ‘yon para patunayang seryoso siyang pakasalan ang TV host-comedian?

Nakapagtataka kasi na hindi nga nila pormal na maaming magkarelasyon sila, bakit lumundag na sa kasalan ang isyu (‘yun nga ay kung marriage proposal ‘yon).

But what else could the phrase “Say yes, please!” mean? Hindi ba’t kasalan at wala nang iba pa?

Again, we have nothing against gay couples choosing to wed. Sa katunayan, natutuwa if not naiinggit nga kami sa tuwing makakakita kami ng gay pairs in public na deadma kung anuman ang isipin o sabihin tungkol sa kanila.

Ang pagpapakasal pa kaya na tanda ng kanilang commitment sa isa’t isa till death them part?

Pero ang mga magdyodyowang ito’y bumilang na nang maraming taon before getting hitched. Exchanging I do’s with each other doesn’t just happen the moment they get up from their conjugal bed.

Sina Vice Ganda at Ion ay iilang buwan pa lang sa isang relasyong hindi pa inaamin sa buong mundo, bagama’t what you see—so goes the cliché—is what you get.

Huwag sanang masamain ito ng mga taong kinikilig para sa kanila, pero para sa amin (and we hope we’re mistaken), there’s so much “good-to-be-true-ness” to Ion’s wanting to walk Vice Ganda down the aisle.

But only Vice Ganda can tell. Matalino naman siya, ‘di ba?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …