Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dinner nina Liza at Jane, ‘di pa natutuloy

MASAYANG ibinalita sa amin ni Ogie Diaz sa pamamagitan ng PM (private message) na nakatakda nang simulan ng kanyang alagang si Liza Soberano ang taping ng mulinnilang tatampukang teleserye ni Enrique Gil sa ABS-CBN.

Sa September na ang start ng taping,” ani Ogie.

Pero in the meantime, sumasailalim si Liza sa occupational therapy tatlong beses isang linggo kaugnay ng naoperahan na nitong daliri.

At habang ganap na nagpapagaling, abala rin si Liza sa pag-aasikaso ng ikalawang branch ng kanyang Hope Wellness and Spa na bubuksan sa Alabang.

Samantala, habang isinusulat namin ito’y hindi pa natutuloy ang dinner date ni Liza at ni Jane de Leon. As everybody knows, si Jane ang masuwerteng pumalit sa binakanteng role ni Liza bilang Darna.

Agad ngang binati ni Liza si Jane at niyayang mag-dinner sila upon her arrival from the US last July.

Meanwhile, ipinatanong namin kay Ogie kung ano ang take ng kanyang alaga sa recent controversy na kinasangkutan ng mga kapwa nito Kapamilya stars tulad nina Bea Alonzo at Julia Barretto over Gerald Anderson.

Deadma na lang, ‘teh!” pakiusap ni Ogie on Liza’s behalf.

Oo nga naman, mas gugustuhin nga namang tutukan ni Liza ang tambalan nila ni Quen kaysa makisawsaw sa isyu which doesn’t concern her at all.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …