Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Star Circle Batch 2019… Melizza Jimenez isa sa may malaking potential para maging star

KASAMA ng ilang co-entertainment media, nakausap namin sa kanyang intimate presscon ang isa sa members ng Star Circle Batch 2019 na si Melizza Jimenez.

Well, pretty at multi-talented si Melizza na bukod sa mahusay na actress at singer-song­writer ay painter at may sarili rin Travel Vlog. And in all fairness ‘yung vlog niya ay maraming followers dahil exciting panoorin ang kanyang travel experiences.

By the way, sa kanilang batch sa Star Circle ay isa si Meliz­za sa nabigyan agad ng projects. Napapa­nood siya ngayon sa “The Killer Bride” bilang kaibigan ni Alexa Ilacad na obsessed kay Joshua Garcia at tipong Riverdale ang character nila rito sa Las Espadas. Silang dalawa ni Alexa, ang madalas magka-eksena rito.

Sa kanyang singing career, tapos nang i-record ng young actress (Melizza) ang dalawang songs (Filipino and English) na pareho niyang composition.

Ipinarinig niya sa amin ang kanyang mga kanta at kagaya ito ng mga usong-usong kanta ngayon kaya posibleng mag-hit ito. Ayon kay Melizza, 2016 pa nagsimula ang career niya sa Star Magic, at tatlong proyekto ang nagawa niya, ang KathNiel movie na “Barcelona” na gumanap siyang kapatid ni Kathryn Bernardo.

Dalawa pa sa ginawa ang guesting niya sa Wansapanataym at FPJ’s Ang Probinsyano at sister siya rito ni Sam Pinto. Tulad ng ibang newcomers ay goal din ni Melizza na sumikat at open siya sa ideya na

magkaroon ng ka-loveteam at mas type raw niya kung ang ka-batch na si Jeremiah Lisbo ang i-partner sa kanya at close raw siya rito.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …