Kung pagbabasehan ang very funny and entertaining na trailer ng “The Panti Sisters” na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin del Rosario, walang duda na puwedeng maging number one top-grossers sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).
Mangangabog ang eksena, kung saan humiling ng apo ang malapit nang mamatay sa cancer na si John Arcilla sa tatlong anak na Panti sisters kapalit ng P100,000,000.
Hayun agawan sa pagpapakalalaki sina Paolo, Christian at Martin. Matatandaang kumita ang unang tandem nina Paolo at Christian sa “Die Beautiful” kaya malamang na maulit ang success nito sa The Panti Sisters na idinirek ni Jun Robles Lana at produced ng Black Sheep’s. Ito ang kauna-unahang entry ng nasabing movie outfit sa PPP.
Parte rin ng cast ng movie sina Carmi Martin, Rosanna Roces atbp at showing na ito in cinemas nationwide sa September 13.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma