Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, nawalan na nga ng dyowa, pinagmumukha pang kontrabida

LITERAL na ang Filipino translation ng pamagat ng pelikula (still in progress) nina Julia Barretto at Gerald Anderson na Between Maybes ay “sa pagitan ng mga siguro.”

Kung ito’y gagamiting sagot sa katanungan answerable only by either a yes or no ay mas malabo pa nga ito kaysa “maybe.”

Worse than a gray area, kumbaga.

Isa lang ang tiyak sa magkatambal na ito, oong-oo at kompirmadona kapwa na sila hiwalay from their respective partners: si Julia kay Joshua Garcia(four months ago), si Gerald kay Bea Alonzo (balitang third week of July).

Hindi rin maybe, kundi positibo ring hindi raw si Julia ang dahilan sa likod ng Bea-Gerald break-up. Sa mga nangyayari ngayon, ano ba ang real score kina Julia at Gerald: sila na nga ba o hindi?

Ang ”yes na yes” sa usaping ito ay ang kato­to­hanan—that as far as the public is con­cerned—na parehong wala nang pananagutan o commitment sina Julia at Gerald individually.

Public outrage ang inaani ngayon ng dalawa na tila naghahanap ng masisisi sa kanilang pinagdaraanan ngayon. At ‘yun ay walang iba kundi si Bea.

Sa mata ni Julia, si Bea ang bully sa social media na pa-victim effect; sa mata naman ni Gerals, si Bea ang bad girl sa kanilang relasyon.

Kawawang Bea. Nawalan na nga ng dyowa, pinagmumukha pa siyang kontrabida sa real-life drama na ito na liglig ng pandaraya’t pagtataksil.

As if hindi pa kompleto ang cast, may special participation pa si Mrs. Inday Barretto, ang lola ni Julia, na todo-depensa sa kanyang apo gayong wala naman siyang “call slip” para umeksena.

Sad to say, outnumbered ang kampo ng magkasanib na puwersa nina Julia at Ge­rald laban sa batalyon ng kanilang haters.

At kung pagbabasehan ang bilang na ‘yon sa mga magboboykot sa susunod na Julia-Gerald movie (na duda namin ay hindi agad-agad masusundan) once it hits the theatres ay isang masamang pangitain ang mukhang nagbabadyang mangyari sa takilya.

Kakagatin ba ‘yon ng publiko? Tatabo ba ito sa takilya?

The likely answer is also between maybes.

Malabo. Malamang. Walang kasiguraduhan.

What’s in a title? A lot, lalo na kung ang mga intrigang nakapalibot dito’y negatibo as are its lead stars trying their darnest best to the good, guiltless guys.

At hindi ‘yon sa pagitan ng mga siguro. Walang dudang yes na yes ang sagot, whether they agree or not.

Sa bandang huli, si Bea ang wagi sa sitwasyong ito. May kasabihan ngang “he who laughs last laughs best.”

And the loudest.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …