NAGPASALAMAT si Kris Aquino kay Gabby Concepcion at sa manager nitong si Popoy Caritativo sa pagtanggap ng aktor na maging leadingman ni Kris sa Metro Manila Film Festival 2019 movie na (K)Ampon.
Hindi na kasi kakayanin ng original leadingman sana ni Kris na si Derek Ramsay na gawin ang pelikula dahil sa schedule. Pero nirerespeto ni Kris ang desisyon ni Derek lalo na may kontrata ito sa GMA Network at kasalukuyang may umeereng Kapuso teleserye.
Nanghihinayang kasi si Kris kung hindi matutuloy ang movie dahil invested na siya rito financially, intellectually, and emotionally bilang co-producer at co-investor kasama ang Spring Films at Quantum Films.
Lahat ng ito ay inihayag ni Kris sa kanyang Instagram post. Ayon nga sa IG post niya, “Just the facts: 1. Derek Ramsay has a GMA NETWORK contract. Mahaba ang partnership nila ng QUANTUM FILMS, in fact for Atty Joji he’s like a son. This led to arguments between Atty Joji & myself because I felt like the “AMPON” since many adjustments were being made for @ramsayderek07. Derek and I have spoken. We go way back, 2004-2005 when we did our San Miguel Beer TVC. Nagkasagutan pero dahil may pinagsamahan- nagkaunawaan. I respect that he has a GMA network contract that should be his top priority. CHILL kami.
“2. We owe @popoycaritativo and @concepciongabby BIG TIME. MMFF rules state change of lead stars should be of equal status. Had Gabby said NO, wala nang movie, goodbye sa MMFF bond, sa preprod cost, sa mga downpayment etc. From my whole heart THANK YOU.
“3. I am managed by @cornerstone sister company of @springfilms. We are co-investors in this movie. Kaya po financially, intellectually, and emotionally invested.”
PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga