Thursday , December 26 2024

Tayabas at Lucena cities ‘biktima’ rin ng Prime Water

HINDI talaga natin maintindihan kung bakit nabibiyayaan ng joint venture agreement (JVA) ang kompanyang Prime Water gayong hindi maayos nag kanilang serbisyo sa consumers.

Sa mga lalawigan ng Cavite at Bulacan, maraming bayan ang sumailalim sa serbisyo ng Prime Water at simula noon nagulo ang buhay nila.

E paano namang hindi magugulo, kung dati ay wala silang problema sa serbisyo ng tubig sa ilalim ng Local Water Utilities Authority (LWUA) o water district sa kanilang lugar, ngayon ang serbisyo ng tubig sa Prime Water ay “now you see, now you don’t.”

At mas madalas ‘yung panahon na walang tubig…kaysa mayroon.

Gaya ng nararanasan ngayon ng mga lungsod ng Tayabas at Lucena sa Quezon.

Sa loob ng isang linggo, limang araw silang walang tubig. Kapag nagkaroon naman, nagkukumahog ang mga consumer na mag-ipon kasi hindi nila alam kung tatagal ba sa buong maghapon ang tulo ng tubig sa kanilang mga gripo.

Hindi lang ‘yan, gaya ng naranasan ng maraming bayan sa Cavite at Laguna, mayroong panahon na marumi ang ibinubugang tubig ng gripo dahil sa bulok na serbisyo ng Prime Water.

At sa kabila ng bulok na serbisyo, ang singil ng Prime Water sa kanilang minimum charge ay P223 kada buwan plus ‘yung konsumo, aba, mahina ang P1,200 binabayaran ng bawat tahanan sa kanilang konsumo sa tubig.

Bulok ang serbisyo ng Prime Water pero ang lakas ng loob nilang maningil sa consumers.

Hindi ba’t maliwanag na panggugulang ‘yan?!

Kailan ba matatauhan ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at LWUA para umaksiyon at balewalain ang JVA sa kompanyang Prime Water na sinabing pag-aari ng pamilya Villar.

Kung hindi babalewalain ng LWUA ang JVA sa Prime Water, ang mga nararanasan ng City of San Jose Del Monte, Meycauayan, Marilao at iba pang bayan sa Bulacan; at iba pang mga bayan sa Cavite ay paulit-ulit na mangyayari gaya ng nararanasan ngayon ng Tayabas at Lucena cities.

Ngayon, kailan ba talaga aaksiyon ang MWSS o ang LWUA?

Kailangan pa bang magbaba ng ‘emergency power’ ang Palasyo kung sakaling dumating ang panahon na lumala ang krisis tubig?!

‘Wag naman sana!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *