Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tetay, may makahulugang IG post tungkol sa past

MAKAHULUGAN ang naging post sa Instagram ni Kris Aquino patungkol sa past niya. Nag-post kasi siya sa IG ng 7 Rules of Life at unang-una rito ay sinasabing, “Make peace with your past so it does not affect the present.”

Sabi ni Kris sa caption ng kanyang IG post, “Sorry po, pumatol kagabi. It’s been rough putting everything into place for MMFF. And what i have managed to keep PRIVATE in my personal life, i was provoked into making public… and i was wrong.

i have 5 more days in my happy place, so i’ll keep enjoying. And i’ll remind myself & all of you, the PAST is already long gone. Thank you self & thank you @pinterest for the reminder!”

Tungkol kaya sa mga past na nakarelasyon ni Kris ang pinatutungkulan niya sa kanyang IG post? Sino naman kaya ito? Ay, ayoko na ngang pakialaman. Basta ang sabi ni Kris, “the PAST is already long gone.”

Pagbalik ni Kris sa Pilipinas mula sa pagbabakasyon sa Japan ay haharapin na niya ang work commitments kasama na ang shooting ng kanyang pinagbibidahang 2019 Metro Manila Film Festival entry na (K)Ampon with Derek Ramsay.

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …