Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, sinuportahan nina Jericho at James

NAGING matagumpay ang premiere night ng pelikulang Indak na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Sam Concepcion last August 5, 2019 sa SM Megamall Cinema 1.

Bongga ang mga production number ng INDAK Crew kaya naman tiyak mag-eenjoy ang mga Pinoy na mahihilig sumayaw at nangangarap na maging isang mahusay na mananayaw.

Maganda ang kuwento ng Indak na talaga namang kapupulutan ng aral. Bukod sa mahusay na performances mula kina Nadine at Sam hangang sa mga supporting actors.

Ilan sa nakita naming dumalo at nanood ng premiere night ng Indak ang mga bosing ng  VIVA Entertainment na sina Boss Vic Del Rosario, Boss Vincent Del Rosario, Boss Veronique Del Rosario, James Reid, Jericho Rosales kasama ang kanyang maybahay na si Kim Jones atbp..

Kabituin nina Nadine at Sam sa Indak sina Julian Trono, Vito Marquez, Mayton Eugenio, Race Matias, Alyanna Asistio with Billy Joe Crawford, Mutya Datul (Ms Supranational), Yayo Aguila, G Force atbp..

Ang Indak ay mula sa mahusay na direksiyon ni Paul Basinillo, hatid ng Viva Films at napapanood na sa kasalukuyan sa mga sinehan nationwide.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …