HINDI pa man naipapalabas ang pelikulang “Indak” ni Nadine Lustre with Sam Concepcion ay ramdam na naming lalangawin ito sa takilya. Sino ba naman kasi ang magkakainteres na panoorin ito e, titulo pa lang, tipong dance musical na ang dating ng movie ni Nadina at Sam Concepcion. Bakit ka pa magbabayad sa sinehan e, puwede ka namang manood nang libre ng musical show gaya ng ASAP.
Sinayang ng Viva ang career ni Nadine at hindi nila pinag-isipan ang proyektong ibinibigay nila sa nasabing alaga, na ang feeling siguro nila ay kahit anong klaseng pelikula na kanilang ibigay ay papatok si Nadine.
Well, dapat sa susunod na proyekto ng live-in partner ni James Reid, bukod sa pag-isipan ay maging maingat na sila. Kasi kapag bara-bara lang ay wala na talagang manonood. Imagine sa first day of showing ng Indak ay wala pa raw P1 milyon ang kinita nito at ang kalokah dahil majority ng sinehang pinagtatanghalan nito ay apat hanggang 10 katao lang ang nasa loob ng theaters.
Yes, never na magiging kagaya ni Kathryn Bernardo o Liza Soberano si Nadine. Ang dalawa ay parehong may magandang record sales sa takilya na kumita nang daan-daang milyon ang magkahiwalay na movies.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma