Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael de Mesa tiniyak na makare-relate ang seafarers, OFWs sa Marineros

INSPIRING at may mapupulot na aral sa advocacy film na Marineros ni direk Anthony Hernandez. Tampok dito ang veteran actor na si Michael de Mesa, with Ahron Villena, Valerie Concepcion, Claire Ruiz, Jon Lucas, Jef Gaitan, Moses Loyola, Paul Hernandez, si direk Anthony mismo as Marigold, at iba pa. Ang pelikula ay showing na sa September 20, nationwide.

Tiniyak ni Michael na makare-relate ang maraming seafarers at OFWs sa movie nilang Marineros na mula sa Golden Tiger Films.

“Makare-relate po ang maraming seaman at OFW sa movie namin. Pinag-usapan dito ‘yung matagal na wala sila sa kanilang pamilya at ‘yung ibang conflict na nangyayari rin sa mga buhay ng seaman, na-tackle naman iyon,” saad ni Michael.

Sinabi rin ng isa sa star ng FPJ’s Ang Probinsyano ang tema ng kanilang pelikula. ”Isa itong family-drama, bale ang pinaka-tema niya ay reconciliation ng ama sa kanyang mga anak. Basically, isang dramang pangpamilya.

“Ang role ko rito ay former seaman na naaksidente, tapos ay bumalik sa kanyang pamilya. Pero iyong ibang anak niya ay may hinanakit sa kanya dahil ang akala ay iniwan niya ang kanyang pamilya. Pero mayroon siyang revelation at naipaliwanag ko naman ang tunay na dahilan, kaya maganda naman ang ending nito.”

Tatlo ang anak ni Michael sa movie, sina Ahron, Paul, at Claire. Si Ahron ang gumaganap na panganay sa tatlong magkakapatid, susunod ang newbie actor na si Paul, at si Claire ang bunso.

Ayon kay Direk Anthony, ”Marineros is a passion film and the public reception we gained from our full blast marketing is very positive. Our teaser even gained a hundred thousand views in just a span of one week from posting. It just shows that the Filipinos are somehow connected to seafarers in one way or another, may it be a member of their family or friends.

“We are confident that Marineros, men in the middle of the sea is a perfect eye opener for everyone. Ang movie na Marineros ay iniaalay namin sa lahat ng seafarers at maging sa OFWs nating nagpapakahirap sa ibang bansa.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …