Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kit Thompson palaban sa love scene nila ni Mylene Dizon sa “Belle Douleur” (Mapapanood sa iWant at mga sinehan simula 14 Agosto)

Matapos makatanggap ng mga papuri bilang opisyal na entry sa 2019 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, mapapanood na ng mas maraming Pinoy ang pinakamainit na pag-iibigan sa big screen ngayong taon sa pelikulang “Belle Douleur” na ipapalabas sa mga sinehan sa buong bansa simula 14 Agosto.

Pinagbibidahan ng multi-awarded actress na si Mylene Dizon at ng hottest young actor ngayon na si Kit Thompson, ang “Belle Douleur” ang unang pelikulang idinirek ni Atty. Joji Alonso matapos siyang makilala sa pagpoprodyus ng mga pelikula sa Quantum Films.

Samantala bigay todo at wala raw pag-aalinlangan si Kit sa maiinit nilang eksena ni Mylene sa pelikula.

“Kung trabaho, I wanna do the scene properly and I don’t need those things to keep holding me back, lalo na when giving my performance for the movie,” tugon ng aktor sa isang panayam.

Kung tatanungin naman kung naapektohan ba siya sa ilang maselan na eksena nila ni Mylene Dizon, sagot ng aktor: “Alam mo, mahirap kasi malibugan ‘pag maraming nakatingin e, parang nakakaurong,” aniya.

“Mahirap talaga… I have to get into the character, but at the same time of course, hindi ko mage-get rid ‘yung voice na baka may nanonood,” patuloy ni Kit.

At kung tatanungin kung masusun­dan pa ba ang kanyang pagtanggap ng sexy roles, pahayag ng aktor: “Depende talaga e. Hindi ko naman ini-aim na maging hot, or maging pa-sexy; it depends kasi kung anong requirements sa akin sa susunod. Kung they require me na maging sexy, e ‘di why not?”

Pero kung naging madali lang para kay Kit na gawin ang love scene nila ni Mylene. Para kay Mylene ay aminado siya na nahirapan siyang gawin ang love scenes nila ni Kit.

Bulalas ni Mylene, “Difficult… very difficult. Hindi naman madali ang love scene kahit kailan, e.

Never ‘yan naging madali. It’s very intimate and personal, so it’s not an easy thing to share with the stranger.

“Siguro ‘yung mindset mo na lang, this is work, kaya game! Na kapag tinagalan pa natin at aarte-arte tayo rito, tatagal lang, wala namang magbe-benefit kapag natagalan. So pasok na, gawin mo na lang. And then you adjust from there,” lahad ni Mylene.

E, kumusta naman si Kit sa kanilang intimate scenes?

“Confident ‘yung bata sa katawan niya. Alam niyang pogi siya.

‘Pag gano’n ‘yung katrabaho mo sa love scene magiging madali. Tsaka mas bata siya nang ‘di hamak, mas active ang sex life niya nang di hamak sa ating lahat, so hindi mahirap,” sagot niya.

Pero ramdam daw niya na may mga pagkakataong nai-intimidate sa kanya ang binata.

“Maybe at some points may mga ganoong instan­ces and he just has to… Siguro, kasi ako mabilis akong mag­tra­baho at gusto ko mabilis magtrabaho, ayoko nang matagal.”

Ang Belle Douleur ay isang May-December love affair kind of film. Ito ay pro­duce ng Quantum Films para sa Dreamscape Digital na malapit nang mapanood sa iWant.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …