Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kantang Mataba ni Cool Cat Ash, may mensahe ukol sa body shaming

MASARAP pakinggan ang bagong kanta ng talented na si Ashley Aunor titled Mataba. Ang bunsong anak ng dating teenstar na si Ms. Lala Aunor ay nakikilala na ngayon bilang Cool Cat Ash.

Contract artist na si Cool Cat Ash ng DNA Music na sister company ng Star Music. Sa pagpirma niya ng kontrata ay present at full support ang kanyang Mommy Lala at Ate Marion, plus ang manager niyang si katotong Ambet Nabus.

Malakas ang dating ng single na ito ni Cool Cat Ash na may hatid na mensahe ukol sa body shaming. ”Mataba is a song promoting body positivity and the battle against body shaming. Based siya sa mga personal life experiences ko as a plus-sized person. Through the song, gusto kong maka-inspire ng mga tao na tulad ko na naka-experience rin ng same situations sa life nila.”

Dagdag niya, “Ate Marion and I co-wrote and co-produced the song together. Ako rin ang nag-areglo and nag-mix ng song. Na­isipan na­ming gumawa ng ganyang kanta dahil na-inspire kami ni Ate Marion sa mga role model namin na sina Lizzo and Me­ghan Trainor na nagpo-promote din ng body positivity through their music.

“Walang masyadong OPM songs na tungkol sa topics na body positivity and body shaming. I want to bring awareness dito sa bansa kasi parang naging norm na lang sa kahit sino man ang pagtawag ng mataba between relatives, friends and even sa mga strangers. Hindi ito light topic, kasi maraming naaapektohan sa salitang “tumaba ka” or “ang taba mo.” Itinatago lang ng mga naaapektohan, kasi wala lang naman daw silang ibig sabihin but in reality they start to believe na hindi sila maa-accept ng society kapag hindi magpapayat katulad ng mga taong nakikita natin sa media. Iba’t iba ang hugis ng bawat tao and I think we should embrace ourselves no matter what people say. Let’s be confident!” Sambit ni Ash.

Aminado siyang may bad experience noon dahil sa kanyang size. “Actually, tinalakay ko ang topic na ‘yan sa song ko dahil noong bata pa lang ako, puro mataba na lang naririnig ko. Puro bashing and bullying from childhood to now. Dati dinidibdib ko ang bawat salita, ngayon wala na lang sa akin kasi alam kong beautiful ako, hahaha!” Masayang hirit ni Cool Cat Ash.

Puwede nang i-download ang Mataba ni Cool Cat Cash sa Spotify at iba pang digital platforms. Out na rin ang kanyang music video sa YouTube.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …